Awkward ang naging sitwasyon nang magkasabay sa isang beauty clinic ang dalawang female celebrities ng magkaibang TV network.
Pareho raw may appointment ang dalawa at nataon pang pareho ang oras na ibinigay sa kanila.
Kilala ang naturang beauty clinic sa pagpapaganda ng mukha, lalo na ang ilong na hindi halatang ipinaretoke. Kaya nandoon ang dalawang female celebrities dahil sa tinatawag na “maintenance check†ng ipinaretoke nilang ilong.
Parehong nag-deny ang dalawang female celebrities na may ipinaayos sila sa kanilang mga mukha at ang magandang make-up lang daw nila ang nagpapaganda sa kanila.
Ayon sa aming source, noong mag-abot daw sa waiting room ang dalawang female celebrities, nagbatian naman daw sila dahil nagkasama na sila noon sa isang event kaya magkakilala na sila.
‘Yun nga lang, walang nagtanong kung bakit nandoon sila sa beauty clinic. Alam na siguro nila ang dahilan kung bakit, dahil pareho lang pala ang clinic na nag-ayos ng mga hindi kagandahang ilong nila dati.
Alwyn may lihim na pagnanasa’ kay Vin
Big break nga para sa aktor na si Alwyn Uytingco ang maging bida sa bagong series ng TV5 na Beki Boxer.
Bida si Alwyn sa naturang gay coÂmedy series na ito na mula sa direksyon ni Jade Castro.
Ayon sa aktor, hindi siya nagdalawang-isip nang ialok sa kanya ang title role sa Beki Boxer. Gumanap na kasi siyang bading noon pa sa Ang Tanging Ina bilang gay son ni AiAi delas Alas na si Pip.
“Unang-una, title role na ito na sobra kong ikinatuwa. Matagal na akong gumagawa ng mga teleserye sa TV5 at halos lahat kontrabida ako or melodrama.
“This time, comedy na may konting drama. Pero ang kabuuan ay comedy kaya bakit naman hindi ko ito gagawin?
“Feeling ko naman, kahit na sinong alukin ng role na ito sa Beki Boxer ay tatanggapin niya. Iba kasi eh, and I feel lucky na sa akin inalok ang role na ito,†pahayag pa ni Alwyn nang ma-interview siya sa showbiz segment ng News5 kamakailan.
Physically demanding daw ang role ni Alwyn sa Beki Boxer kaya nagsimula na siya sa kanyang training para sa mga malalaking eksenang kukunan.
“Naging sport ko rin ang boxing dahil big fan ako ni Manny Pacquiao. Kaya todo ensayo tayo dahil big boxing scenes muna ang kukunan namin.â€
Magiging love interest ni Alwyn sa Beki Boxer si Vin Abrenica. Magiging karibal naman niya sa pagtingin kay Vin si Danita Paner.
Dating Hollywood child star na si Shirley Temple maraming naiwang alaala
Sumakabilang-buhay na nga ang pinakasikat na child star ng Hollywood na si Shirley Temple noong nakaraang February 10. She was 85.
Sa kanyang tahanan sa Woodside, California namaalam ang Hollywood legend due to natural cause.
She was born Shirley Jane Temple on April 23, 1928 sa Santa Monica, California.
Nagsimula ang acting career ni Shirley sa edad na 3 at dahil sa kanyang mala-manyikang ganda at talino sa pag-awit at pagsayaw kaya siya ginawang bida sa maraming Hollywood musicals.
Kabilang nga rito ang Bright Eyes, Stand Up and Cheer, Curly, Our Little Girl, The Little Princess, and Heidi.
Pinasikat din niya ang awiting On the Good Ship Lollipop.
In 1934, Shirley was only 6-years old when she received a miniature Oscar dahil sa kanyang outstanding contribution in motion picture. Siya ang youngest recipient ng naturang pangaral.
Dahil sa kanyang kasikatan noong ‘30s hanggang ‘50s, may ipinangalan na soft cocktail sa kanya called the Shirley Temple at pati na ang signature curly hair niya ay marami ang gumaya.
Kinasal nga si Shirley sa unang husband niyang si John Agar when she was just 17-years old. Nag-divorce sila at nagpakasal siya sa kanyang second husband na si Charles Black.
At age 21 ay nag-retire na sa acting si Shirley Temple at pinasok niya ang politics. Tumakbo sa US congress as a republican candidate.
Nag-serve siya bilang isang US Diplomat to Ghana and Czechoslovakia.