Walang magagawa ang buong cast at production staff ng isang movie na kailangang i-reshoot nang buo ang mga natapos na nilang eksena. Nagpalit kasi sila ng director at siyempre, ayaw naman ng papalit na director na ituloy na lamang niya ang project na hindi naman siya ang nagsimula. Natanong namin ang isa sa members ng cast na siguro ay double din ang talent fee nila. Sad to say, sinabi na raw ng producer na for the love of their work na lamang iyon at wala silang additional talent fee na matatanggap.
Mga nag-aaral ng culinary arts masyadong magastos
Totoo pala na kung balak mong kumuha ng culinary arts, kailangang ready ka, bukod sa mahal na tuition fees, sa mga bibilhin mo pa lamang gamit sa pagluluto, mula sa kitÂchen knives at mga utensils na gagamitin mo once nagsimula ka nang mag-aral. Kaya na-curious kami sa kuwento ng tatlo sa cast ng isang unique TV cooking show na Kitchen Stories na mapapanood na simula mamayang hapon sa GMA News TV, 4:55 to 5:10 p.m. Ayon kina Charles Zabala, James Torres, at JM de Jesus, may gamit daw naman sa Center for Culinary Arts (CCA), pero iba raw ang feel mo kung sarili mong utensils ang ginagamit mo, mas confident ka, kasi sanay mo na itong gamitin.
Directed by Mark Reyes, kasama ring mga hosts sina Steffi, Kim, Agatha, at Cathleya.
REP. Atienza umaasa sa suporta ng mga kongresistang taga-showbiz
May dalawang bills na isinubmit si Buhay Representative Lito Atienza sa Kongreso para sa movie at television industry at nasa second reading na raw ito at pagkatapos ay idi-defend na niya sa last hearing. Ang isang bill ay magbabawal sa pagpapalabas ng mga teleserye mula sa ibang bansa sa primetime at ang ikalawang bill ay ang pagbibigay ng tax break ng limang taon sa movie producers.
Nanghihinayang daw kasi siya na ang dami-dami nating mahuhusay na artista, production people, na nasasayang ang talents dahil walang projects na maibigay sa kanila. Alam daw niyang mabigat mag-produce ng isang proyekto pero kapag nakatanggap sila ng tulong mula sa gobyerno, marami tayong magagawang movies and television shows.
Inamin ni Rep. Atienza na sa kanila lamang pinu-produce na Saturday morning soap, ang Maynila, may 62 production people sila bukod pa ang mga artistang gumaganap sa bawat episode.
Alam daw niyang desperate ang move na ginawa niya pero naniniwala siyang tutulungan siya ng mga kapwa kongresista na tulad nina Rep. Lani Mercado-Revilla, Rep. Alfred Vargas, Rep. Lucy Torres, at iba pang kasama na taga industriya para maipasa ito.