Gusto nang magsalita ni Mat Ranillo III tungkol sa pork barrel scam ni Janet Napoles.
Handang-handa siyang maging testigo sa Senado, kahit wala pang inamin sa mga alegasyon na middleman din siya ni Napoles at kumita ng malaki sa ‘komisyon.â€
Ilang popular names baka ang maidadawit ng dating aktor?
Dalawang fashion designer sa Amerika mga sikat na ang mga suki
Dalawa pang Pinoy fashion designer ang nakikilala sa Hollywood bilang couturier of stars, sina Albert Andrada at Ezera Santos. Ang kanilang mga creations, hinangaan sa nakaraang Grammy awards night.
Gawa ni Andrada ang suot ni Paris Hilton sa nasabing okasyon, na na-publish sa mga style section ng mga broadsheets at magazines, na nagbigay kay Hilton ng titulo bilang one of the ten best dressed that night.
Si Andrada ang dating gumagawa ng mga damit ng Dubai Royalty at naka-based siya sa Maynila.
Si Santos naman ang gumawa ng suot ng singer/guitarist na si Colbie Caillat, na pinuri ng mga fashion critics. Tulad ng mga naunang sina Michelle Lhuillier at Michael Cinco, na gumawa rin ng mga gowns ng ibang celebrity sa Grammy, dumarami na ang mga kliyenteng celebrities nina Andrada at Santos.
Mapuntahan nga ang shop ni Andrada sa Maynila at doon ako pagagawa ng isusuot sa Star Awards for Music at Awit Awards.
Mga sinasabi ni Ruby TuaZon maraming butas?
May mga loopholes ang testimony ni Ruby Tuazon sa Senado. Sabi niya dalawa lang ang sinerbisan niyang lawmakers, pero tumanggap siya ng P40 million komisyon. Higit na malaki ang kinita niya kina Sen. Juan Ponce Enrile at Sen. Jinggoy Estrada?
Ibang klaseng TV entertainment ang mga ganitong palabas na napapanood natin.
Eugene tanging Pinay sa Asian Film Awards
Si Eugene Domingo lang ang tanging Pinay na naisali sa mga finalists ng best actress category sa Asian Film Awards, for the movie Mga Kuwentong Barbero ni Jun Lana.
Nahirang na siyang best actress for the same moÂvie sa Tokyo International Film Festival last year.
Kasalang Perci at Jun kinaiinGgitan
Pang Valentine’s day ang love story nina Perci Intalan at Jun Lana, na nagkakilala 11 years ago.
Executive producer ng Walt Disney Productions si Intalan based in Hongkong, na nagbakasyon sa Maynila. Nag-meet sila ni Lana at naging simula ito nang isang fairy-tale romance.
Matagal silang naging magka-live-in, bago mag-decide na magpakasal sa Central Park, New York.
Ngayon, lahat ng mga Pinoy gay couple na tunay na nagmamahalan, gustong ituloy ang kanilang romansa through the same union. Kahit mga sikat na aktor, type ang same-sex marriage. Hindi nga lang sila maaring lumantad sa liwanag at baka magwakas ang kanilang showbiz career.
Si Aiza Seguerra naman, malungkot na walang same sex marriage sa ating bansa. Nag-propose na siya sa kanyang sweetheart na si Liza Dino through a stage play.
Sinagot na ni Liza ang proposal kaya maaring pumunta na sila sa New York, which they can afford naman.
Pahuhuli ba naman si Charice Pempengco at ang kanyang steady? Malamang maging double wedding ang seremonya ng dalawang pareha.