^

Pang Movies

James shocked sa ginawa ni Kris na pagtatanggol

- Vinia Vivar - Pang-masa

In fairness to James Yap, bumawi naman siya nang bonggang-bongga sa huling laro last Wednesday night dahil nanalo ang team nilang San Mig Coffee laban sa Ginebra San Miguel. Kaya naman sila ang pumasok sa Finals ng PBA.

Naka-score ng napakataas na 30 points si James kabilang na ang pitong 3-pointer-shot.

Matatandaang naakusahan si James na ibenenta ang laro last Monday night dahil natalo sila ng kalaban at nagkaroon pa tuloy ng isa pang game.

Anyway, nakapanayam ng ilang media si James after the game na lumabas sa website ng spin.ph at dito ay sinabi niyang nagulat siya na ipinagtanggol siya ni Kris Aquino laban sa akusasyon sa kanya.

Say ni James, “nagulat ako (sa gesture), ano’ng meron?”

Gayunpaman ay nagpasalamat ang basketbolista sa ex-wife for defending him.

Ayon pa sa basketbolista ay sanay na raw siyang makatanggap ng mga kritisismo about him at hindi na lang daw niya ito pinapansin.

Cong. Atienza nagpasa ng bill para sa limang taong tax holiday

Tiyak na magiging masaya ang buong industriya kapag naipasa ang batas na ginawa ni Congressman Lito Atienza na tinawag niyang “An Act Providing a Five (5) Year Tax Holiday for the Film Industry by Amen­ding Republic Act No. 9167 Otherwise Known as ‘An Act Creating The Film Development Council of the Philippines Defining its Powers and Functions, Appropriating Funds Therefor, and for Other Purposes’”.

Sa presscon kahapon ng Kongresista ay ipinaliwanag niyang ang batas na ito ay magbibigay ng limang taong tax holiday sa film industry kabilang na ang mga equipments na nais bilhin, production of films and exhibition of said films.

Ito raw ay para mabigyan ng pagkakataon ang a­ting industriya at mga producers lalo na nga ‘yung mga maliliit na makatipid at makabangon nang sa gayun ay makapag-produce pa ng maraming pelikula.

Nababahala rin si Congressman sa unti-unting pa­mamayani sa bansa ng mga foreign teleseryes mula sa South Korea, Japan and Taiwan na isa raw dahilan para mabawasan ang oras na nakalaan para sa mga Philippine-produced shows.

Same thing with the foreign films na mas gusto pa raw panoorin ng mga tao kaysa sa mga local films lalo na nga sa panahon ngayon ng internet kung saan ay nada-download na lang ang mga foreign films kaya wala na silang oras manood pa ng local films sa sinehan.

Bukod pa rito, aware din si Congressman sa napakataas na cost ng movie production na siyang pumipigil sa ibang filmmakers na mag-produce ng maraming pelikula.

Kaya naman naisip niya na kailangang-kailangan ngayon ng ating industry ang subsidies at tax break to be able to bounce back and be competitive.

Humahanga kami kay Congressman Atienza for creating this bill at ibig lang sabihin nito, talagang may concern siya sa ating film industry. We just wish na maipasa ito at maging batas.

        

      

AN ACT CREATING THE FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF THE PHILIPPINES DEFINING

AN ACT PROVIDING

APPROPRIATING FUNDS THEREFOR

CONGRESSMAN ATIENZA

CONGRESSMAN LITO ATIENZA

FILM INDUSTRY

GINEBRA SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with