Maaaring kasunod sa malaking kita ni Willie Revillame noon ang pagiÂging middleman o broker sa pork barrel scam ni Janet Napoles. Si Ruby Tuazon, nabigyan ng P40 million na para sa deal with only two–Sen. Juan Ponce Enrile and Sen. Jinggoy Estrada.
Kung higit na marami siyang nakatransaksiyon na mga mambabatas, baka mas rich pa siya kay Revillame.
Aabangan namin ang susunod na hearing ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa P10 billion pork barrel scam. Na-subpoena na kasi si Mat Ranillo III upang dumalo roon.
Nasangkot ang pangalan ng aktor bilang isa sa mga dating middleman ni Janet Napoles. Aba, marami palang nakakurakot sa pera ng bayan.
Sinu-sino kayang mga kapwa artista/mambabatas ang isasangkot ni Ranillo sa plunder case?
Sen. Santiago mild lang ang ginawa kay Ruby Tuazon
Napansin na tipong mild at hindi wild ang pagharap ni Sen. Miriam Defensor Santiago sa hearing na naganap. Ang ipinangako niyang gigisahin nang husto ay ang state witness na si Ruby Tuazon, hindi naganap.
Isang beses lang siya nagtanong at ang tanging pinuna niya ay konti lang ang mga senador na dumalo sa pagdinig. Mukhang maganda ang gising ng senadora that Thursday morning.
Ang nagduda sa kakulangan ng testimonya ni Ruby Tuazon, si Sen. Antonio Trillanes. Meron siyang mga hinahanap na mga detalye na hindi natugunan ni Tuazon.
Sumbat ng senador kay Tuazon, hindi puwede sa testimonya ang mga pahiwatig. Dapat maalala o matandaan niya ang mga detalye, upang maging kapani-paniwala ang kanyang pagtestigo.
Gravity paborito sa Oscars
Naging paborito ang Gravity, American Hustle, at 12 Years a Slave sa best film derby ng Oscars on March 2.
Naging top favorites ang Gravity nang magwagi ito sa Director’s Guild Awards at nakausad ng konti laban sa former top bet na American Hustle.
Sa best director race, sentimental choice si Steve McQueen, while may mga pumusta for Martin Scorsese at Alexander Payne.
Starting… bugbog sa promo
Two weeks before the actual playdate of Star Cinema offering, tambak na ang publicity sa mga broadsheets at tabloid. Alagang-alaga sa write-ups at radio/TV pluggings.
Starting Over Again, kabisado na ng mga moÂviegoers na talagang malas na lang kung hindi dadayuhin sa mga sinehan.
Ang ibang movie companies, hindi ganito kalakas ang promo machine. Ewan kung kulang sila sa budÂget o talagang nagtitipid lang. Baka nga naman gastahan ng todo ang kanilang pelikula, higit na lumaki pa ang ginasta sa promo sa actual budget ng movie. Kahabag-habag kung magiging flop lang!
Beking TV host nakaligtas sa mamahaling regalo
Right timing ang pagkakagalit ng beking TV host sa kanyang indie film actor na boyfriend, this Valentine season. At least, makakatipid siya sa mga expensive na gifts.
Sa isang gay singles bar na lang siya pupunta at baka maka-take home pa siya on the evening of Feb. 14.