^

Pang Movies

Grabe sa effort! Aiza ginastusan ang stage play para lang sa wedding proposal kay Liza

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nangyari ang wedding proposal ni Aiza Seguerra sa girlfriend na si Liza Dino sa isang stage play sa UP na pinagbidahan nilang dalawa. Isang engagement ring na may batong sapphire ang ibinigay ni Aiza habang nasa gitna ng stage si Liza.

Nasa presscon si Liza ng Journey of Love concert ni Aiza sa bagong bukas na Eurotel sa may EDSA nang ambusin ng press upang hingan ng pahayag.

“Teka muna, lumulutang pa ako at nasa presscon ni Aiza! Ha! Ha! Ha!” sabi niya pero nagpaunlak naman siya.

“Heto, sobrang saya! Lumulutang! Ha! Ha! Ha!” sabi ng beauty queen-turned actress.

Paano ba nag-propose ng kasal si Aiza?

“Gumawa siya ng play. Nag-produce siya ng play. Paano ang Maghiwalay? ang title. It’s actually a Carlos Palanca winning play last 2013. Si George de Jesus ang nagsulat.

“Before, ipinakita sa amin ‘yung play. Ewan ko, siguro naisip niya na mag-mount ng play for both of us. Pero November pa raw, lahat kinausap na niya. ‘Yung director, kilala ko, called to ask kung puwedeng gawin ang play niya para sa kanyang pasabog.

“Lahat! They contacted me end of December. George asked me if I am interested to be part of the play. Tapos sabi niya, tanungin mo kung interested si Aiza. Akala ko, sinasama siya sa play. Little did I know that she mounted the play! She made it official!

“May official letter inviting me as an alumni! Help in the fund raising, part of the 55th anniversary! Para ‘yung talagang hindi ko mahuhulaan! Sinabi ko sa kanya, fund raising, for the love of…kaya walang bayad! Ha! Ha! Ha!” kuwento ni Liza sa paghahanda ng dyowa sa proposal niya.

Personal na tinawagan ni Aiza ang lahat ng mga professors niya, dean, dating classmates upang magawa ang play sa Teatro Hermogenes Ilagan. Ang nasabing teatro ang unang lugar kung saan nag-perform si Liza thirteen years ago.

“Doon ‘yung unang play ko na napanood ni Aiza. Nu’ng time na ‘yon, parang siguro, hindi mo alam kung kayo o hindi. Hindi naman talaga ako exposed sa same sex relationships. Parang alam ko lang na we’re hanging out everyday and we’re very close!

“Nasaktan pa nga siya kaya kami naghiwalay because I had somebody then! Ha! Ha! Ha!” pag-aalala pa niya.

Sa darating na concert ni Aiza, hindi magiging bahagi ng show si Liza. Aminado kasi siyang hindi naman siya marunong magsayaw.

“Actually, itong Journey of Love, hindi lang journey ko, kundi journey ng iba’t-ibang tao! We started sa pagmamahal, may gusto tayo, may pinagdaraanan ang bawat tao na nagmamahal. So may masakit. May masarap. May masaya! Ha! Ha! Ha!” rason ni Aiza.

Ano ang gusto niya roon?

“’Yung masarap siyempre! Ha! Ha! Ha!” tugon niya.

So nai-release na ba niya ang pagmamahal niya nang todo kay Liza sa wedding proposal na ginawa niya?

“’Yung mga terms naman natin! Ha! Ha! Ha! Oo naman. Talagang release na release! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Hindi ito ang last concert ko. Especially may pinag-iipunan kami. Ha! Ha! Ha! Mas nakaka-inspire magtrabaho kung alam mong may pupuntahan ang pinagtatrabahuhan mo!” katwiran ng singer-actres.

“It’s a long journey. Kami namang dalawa, we never expected to see each other again! I’m just happy!” saad ni Aiza na sa March 1 ang concert sa Resorts World Hotel. Producer si Pops Fernandez ng show at special guests sina Martin Nievera at Tom Rodriguez.

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

CARLOS PALANCA

JOURNEY OF LOVE

LIZA

NIYA

PLAY

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with