Ilang araw na naming napapanood si Roy Alvarez sa isang afternoon soap bilang lolo ni Janine Gutierrez sa serye nilang Villa Quintana. Kaya’t nagulat kami sa balitang namatay na siya! Cardiac arrest ang sinasaÂbing dahilan ng kanyang kamataÂyan, nagkaroon ng atake sa puso at hindi niya nakaÂyanan. Pero kung titingnan mo si Roy, mukhang wala naman siyang sakit talaga. Ganyan katraydor ang sakit sa puso. Hindi mo alam kung kailan tatama sa iyo, at kung tamaan ka, hindi mo alam kung kailan at papaano uulit.
Wala rin sa hitsura ni Roy na 63 na pala siya. Mukha siyang mas bata kaysa sa kanyang edad. Una namin siyang na-encounter noong stage actor pa lamang ito, kasama ang isa pang beteranong stage actor na naging director din na si Nick Lizaso. Naging leading man pa siya noon ni Celia Diaz Laurel sa isa sa kanilang mga plays sa CCP.
Pero naging kontrobersiyal si Roy noong sinasabing nagkaroon siya ng “close encounters†sa mga aliens at nakakita diumano ng UFO. Matagal na kuwento rin iyon na pinaniwalaan ng marami. MaraÂming mga tao ang dumadayo sa Laguna kung saan sinasabi nilang nakikita ang mga UFO at nagpapakita rin ang mga “aliens.†Pero kagaya ng iba pang mga kuwento, namatay din ang istoryang iyon at nakalimutan na rin ng mga tao.
Si Roy mismo ang nagsasabi noon na nakikita niya ang mga UFO at may sinasabi pa siyang mensahe ang mga iyon para sa mga tao. Kinakalaban naman sila ng mga siyentipiko, at sinasabi ng PAGASA na walang ganoong sightings, dahil ang mga tauhan nilang nagbabantay din sa himpapawid ay wala namang nakikita. Sumali pa noon sa usapan ang militar na nagsabi ring walang nakitang ganoong sightings ang air force at maging ang mga air traffic controller. Pero siyempre sinasabi naman ng mga naniniwala na hindi lang siguro nasasagap ng radar system ang UFO, kasi unidentified nga eh.
Natatandaan namin, nakausap pa namin si Roy tungkol sa mga UFO na sinasabi niyang nakikita niya noon. Ngayon wala na si Roy. Wala na ang isang magaling na actor, at sinasabi nga nila lalong wala na tayong alam sa mga UFO kung mayroon man.
NBI nagiging-OA na sa kaso ni Vhong at Deniece, pati laptop pinagdiskitahan!
Natawa kami noong isang araw nang sinasabing ipina-subpoena raw ng NBI ang isang computer shop sa Quezon City para ilabas ang sales invoice nila ng isang laptop na diumano ay binili ni Deniece Cornejo matapos ang insidente ng pambubugbog kay Vhong Navarro. Ano naman kaya ang kinalaman noong laptop sa bugbugan?
Natawa kami kasi ganyan din ang nangyari roon sa murder case ni Nida Blanca. Naging prime suspect ang kanyang asawang si Rod Strunk dahil sabi ng NBI, ilang araw bago naganap ang krimen ay bumili raw iyon ng Swiss Knife. Eh ano ang kinalaman ng swiss knife sa kamatayan ni Nida? Iyon ba ang murder weapon?
Tapos nagharap sila ng testigo, si Phillip Medel na itinanggi rin naman ang statement at sinabing ginawa niya iyon dahil ginulpi siya.
Iyong kaso ni Nida, isinara nila noong mamatay si Strunk pero kung iisipin mo unsolved iyon hanggang ngayon. Wala naman kasing napatunayan eh.
Noon swiss knife, ngayon laptop. Ano ba naman iyan?
Maligayang araw ng mga puso
Oo nga pala, Happy Valentine’s day sa inyong lahat mula sa amin dito sa PM (Pang-Masa). Umaasa kami na masaya ang inyong selebrasyon ng Valentine’s day. Hindi kailangang maging magastos iyan!