Makulong at magdusa ang dasal ni Vhong NaÂvarro para sa mga taong nanakit sa kanya, nang for the first time, personal siyang nainterbyu ng GMA News & Public Affairs reporter na si Mariz Umali, matapos manumpa sa Department of Justice last Thursday afternoon.
Inamin ni Vhong na tinanggap na lamang niyang lahat ang akusasyon ng grupo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee nang gabing iyon dahil natakot siya na baka iyon na ang katapusan niya kung lalaban pa siya. Sa ngayon, mahirap pa raw ang magpatawad, nagpapasalamat siya sa Diyos na buhay pa siya pero marami pa raw lumalabas na mga pasa at bukol sa kanya mula sa pambubugbog sa kanya.
Pinayagan ng korte na hindi mag-appear si Vhong sa preliminary investigation sa February 14 dahil ayaw niyang makaharap ang mga accused pero sabi rin ng korte hindi puwedeng lagi siyang bibigyan ng ganoong privilege dahil baka sabihing pinapaboran siya ng korte. Kaya sa February 21, maghaharap-harap na silang lahat sa DOJ.
Marian ipinagpapasa-diyos ang mga ‘pumatay’ sa kanya
Ipinasasa-Diyos na rin lamang ni Marian Rivera ang mga nagkalat ng balitang nagkaroon siya ng car accident at namatay siya habang papunta sa taping sa Ilocos. Heto ang kanyang reaction sa mga haters/bashers niya online:
“Siguro kung may mga taong gumagawa ng masama para sa kapwa nila, hayaan na lang natin. Hindi naman natutulog ang Diyos, eh. Alam ng Diyos kung sino ang dapat niyang pakinggan at pagbigyan.
“Kapag ang tao ay punung-puno ng pagmamahal sa sarili niya, wala na yata siyang makikitang ni katiting na kapintasan sa ibang tao at sa punto ko sa buhay ko ngayon masaya ako at ang puso ko ay punung-puno ng pagmamahal.â€
At sa mga supportive fans niya na agad umalma sa ginawa ng mga bashers: “Yan ang ipinagmamalaki ko sa mga fans ko. Hindi sila gagawa ng anumang ikasisira ng ibang artista. Basta ang fans ko, mabubuti ang kanilang puso kaya naman lalo ko silang minamahal. Hindi kailangang manakit ng ibang tao.â€
At para pasayahin ang mga tagasubaybay ng kanilang primetime drama series na Carmela, bukas ay magkasamang pupunta sa Bicol sina Marian at ang leading man niyang si Alden Richards, with James Wright, ang umawit ng theme song ng kanilang soap. First stop nila sa Linggo, at 1:00 p.m. may motorcade sila sa kabuuan ng Naga City at susundan ito ng isang mall show sa SM Naga. Tutuloy sila sa Daraga Albay for a Kapuso Fiesta show sa Daraga Covered Court.