^

Pang Movies

Pinay singer na sumikat sandali sa abroad, binoo sa show sa Middle East

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Senyales na yata talaga na hindi na maganda ang career ng Pinay singer na nakilala sa abroad dahil sa tulong ng American connections.

Tsika ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Middle East, nakapanood daw ang kaopisina niya sa isang live concert kamakailan ng malaking TV station natin doon. Idinaldal sa OFW ng kanyang kaopisina na nang lumabas daw sa stage ang dalawang Pinay singers, ang isa ay puro original songs ang mga album at ang isa ay ang “international” na kontrobersiyal lagi dahil sa hindi matapus-tapos na sigalot niya sa buhay, ay ang isa lang ang pinalakpakan ng todo. Hula na ninyo kung sino ang hindi?

Pero hindi ‘yun ang ending. Ang singer na hindi pinalakpakan ay na-boo pa ng mga tao! Hindi nga makapaniwala ang OFW na pinagkuwentuhan pero iyon daw talaga ang na-witness ng kanyang Pinoy na katrabaho. Ang lakas ng boo kay controversial Pinay singer!

Ang analisa rito, bukod sa baka nasapawan ang galing ni international Pinay singer ng local Pinay singer na maraming big hits ay baka ang tingin pa sa kanya ng local audience ay masama ang ugali niya. May bad record na kasi siya. ‘Yun tuloy at naapektuhan na ang kanyang performance sa abroad.

Regine marami pang-tribute sa ama

Naku, malungkot ang Valentine concert ng Asia’s Songbird. Baka maiba ang repertoire ni Regine Velasquez sa Voices of Love. Hindi kaya palitan niya ang ibang love songs ng mga kantang itinuro at mahalaga sa kanyang amang si Mang Gerardo “Gerry” Velasquez?

Kung gagawin niya ang mga iyon, nai-imagine na ng mga manonood kung gaano ka-emosyonal si Songbird sa entablado.

Halimbawa, kakantahin niya ang Wind Beneath My Wings o Dance With My Father o ang The Leader of the Band na paborito pala ng kanyang yumaong mentor. Puwede rin ang mga Frank Sinatra song na ipinang-hele na halos kay Regine habang lumalaki siya.

Pero mahirap din dahil baka hindi siya makakanta kasi magpa-flashback sa kanya ang mga pagtuturo at pagdidisiplina sa kanya ni Mang Gerry noong sila pa lang lagi ang magkasama sa mga contest hanggang magka-raket. Ang Voices of Love na rin kasi ang puwedeng maging tribute concert ni Regine sa kanyang Tatay Gerry.

*  *  *

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

ANG VOICES OF LOVE

DANCE WITH MY FATHER

FRANK SINATRA

LEADER OF THE BAND

MANG GERARDO

MANG GERRY

PINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with