Vhong dinumog nang lumabas ng hospital, dumiretso sa DOJ!

Lumabas na kahapon sa St. Luke’s Hospital si Vhong Navarro mula sa may dalawang linggong pagkaka-confine dulot ng pambubugbog sa kanya ng kampo ni Cedrick Lee at dumiretso siya agad sa Department of Justice para lagdaan ang mga reklamong isinampa niya laban sa grupo.

Napanood namin sa breaking news ng ABS-CBN ang pagpunta ni Vhong sa DOJ na talaga namang dinumog ng mga tao na halos hindi na siya makababa sa sasakyan.  

Mukhang maayos na nga ang kalagayan ni Vhong at wala na ring pasa sa kanyang mukha. Kasama niya ang kanyang abogadong si Atty. Alma Mallonga. Matapos na i-review for the last time ang reklamo ay nilagdaan na ito ng comedian/TV host.

Matatandaang habang nasa ospital si Vhong ay gumawa na siya ng sworn statement para sa kanyang reklamo against Denience Cornejo, Cedrick Lee atbp.

Anim na criminal charges ang isinampa ni Vhong laban sa grupo nina Cedrick and Deniece - serious physical injuries, grave threat, grave coercion, unlawful arrest, blackmail, and serious illegal detention.

Toni umungol sa halikan nila ni Piolo

Ayon kay Direk Olive Lamasan, scandalous and animalistic daw ang love scene nina Piolo Pascual and Toni Gonzaga sa Starting Over Again na showing na sa Feb. 12 bilang Valentine offering ng Star Cinema.

 â€œIt’s funny and you can call it scandalous. I suppose, ang makapagsasabing it’s scanda­lous, si Mommy Pinty at saka si Daddy (Toni’s parents).

 â€œSabi ko kay Toni, ‘anak, talagang papanoorin mo ba ang nanay at tatay mo sa premier night? Kasi kung papanoorin mo, uupo ako sa malayo,’” say ni Inang Olive.

Kung bakit anima­listic, ayon pa kay Direk Olive ay panoorin na lang daw.

Kinumpirma naman ni Toni na anima­listic nga ang love scene nila pero natawa kami sa kanyang explanation.

“Oo, animalistic with sounds. May mga na-produce kaming sounds, different animals. Maririnig n’yo sa love scenes. Para ka­ming nasa zoo. Pag napanood n’yo ‘yung love scenes, “oh, it’s a zoo!” with different animals,” say ni Toni.

Pero aminado siya talagang hindi naman siya sanay sa mga love scenes at first time niyang ginawa ito.

Ayon pa kay Toni, bago niya gawin ang movie ay nakausap niya sina Angel Locsin at Bea Alonzo na pareho nang naidirek ni Inang at tinakot pa raw siya ng dalawa.

 â€œSabi nila, “hala, makakatrabaho mo si Inang, dapat alam mo ‘yung script mo, dapat alam mo ‘yung character mo kung saan galing, ‘yung emotions, ‘yung continuity.” Tapos sabi ko, “eh paano ‘yung sa love scenes?” Sabi nila, “hindi mo naman lahat mararamdaman ‘yun”. Sabi ko, “bakit?” Sabi nila, “eh kasi magsasalita siya sa mic, magbibigay ng instructions,’” kuwento ni Toni.

At ganun nga raw ang nangyari.

 â€œTrue enough, nagsalita nga si Inang, “taas mo ‘yung T-shirt!”. Ay paano ko ba gagawin ‘yun. “Lumiyad ka!” Ay, paano ba ako liliyad?” kuwento pa ni Toni na ikinaa­liw ng lahat.

      

Show comments