MANILA, Philippines - Umiral ang pagkainggetera ng isang young actress nang malaman niya ang talent fee ng co-stars sa series na kinabibilaÂngan niya ngayon. Agad siyang nagreklamo sa kanyang manager upang kuwestiyunin kung bakit mas malaki sa kanya ang bayad ng co-stars, huh!
Takang-taka ang manager kung paano nalaman ng alaga ang sahod ng artistang kasama. Eh, confidential nga namang maituturing ‘yon. Pero tikom ang bibig ng aktres kung paano niya nakuha ang impormasyon.
Nagsabi na lang ng alibi ang manager na gagawa niya ang paraan na maitaas ang talent fee niya. Pero sa loob-loob ng maÂnager, mabuti nga’t nabigyan uli siya ng trabaho ng network, huh! After all, kilala niya ang alaga na reklamador talaga, huh!
Hindi raw pang matinee idol, winner ng reality show tuyot sa projects
Nagrereklamo na raw ang isang winner ng reaÂlity search. Akala niya kasi ay mabibigyan siya ng mas malalaking breaks dahil sa panalo niya.
Pero nagiging one of those lang siya sa shows ng network. May kakayahan namang magpatawa ang winner pero siyempre, dahil may edad na rin siya, gusto naman niyang maging greener pa ang pastures na kanyang makakamit.
Take note na hindi lang ang big winner ang relegated sa mga so-so projects ng network. Pati ibang finalists ay background lang sa isang singing game show, huh!
Feeling naman namin, hindi pang-matinee idol ang looks ng winner kaya naman ang sundin ang kundisyon sa kontrata na lang ang ginagawa ng network.
Spam video ng pambubugbog kay Vhong pinagkakakitaan sa FB
May bago na namang gimik ang Facebook por que ten years na sila sa social media. Sa pagbukas ng aming account, pawang Facebook movies ang babalandra sa post ng aming friends, huh!
Pero kung meron kaming suggestion sa FB ay dapat pagbawalan na i-post ang spam account. ‘Yung ila-like mo, isi-share mo pa ‘yung video! Pero ‘pag binuksan mo, waley namang laman, huh!
Ganyan ang nangyari sa pagkakabugbog kay Vhong Navarro. Naging viral ‘yung video pero kapag natiyempuhan mo, wala namang laman!
Ayon sa mga teki na tao, pinagkakakitaan daw ang ganoong spam videos ng matitinik gumawa. Puwedeng umabot sa isang daang libo ang kita ng may pakana nito lalo na kapag milyones na ang nag-like at nag-share, huh!
So beware na lang sa mga ganitong raket para hindi mabiktima’t makapag-contribute sa datung na ibang tao ang kumakamkam, huh!