Regine tuloy ang trabaho kahit nagluluksa

MANILA, Philippines - Tuloy pa rin ang lahat ng schedules ni Regine Velasquez kahit na nga nakaburol ang ama niyang si Mang Gerry. Sa isang post sa Instagram, nasa isang band rehearsal si Songbird at kinu-console ni Martin Nievera na ka-tandem niya sa Voices of Love February 14 concert nila sa SM MOA Arena.

Mahirap sa parte ni Reg pero ika nga, the show must go on. Hindi naman puwedeng makansela ang Valentine show nila dahil wala nang oras para kumuha pa ng kapalit na show sa kanila. Kaya naman marami ang humahanga sa pagiging real trouper ni Regine!

Si Mang Gerry ang naging kasama ni Reg simula’t sapul pa nu’ng nagsisimula pa lang siya sa showbiz kaya mabigat tanggapin ang pagkawala ng pinakamamahal niyang ama.

Mula rito sa Pang Masa (PM), ang aming pakikiramay sa naulila ni Mang Gerry…

Show comments