Labing walo ang iba’t ibang produkto ang ini-endorso ni Richard Yap.
Grabe si Ser Chief dahil napakalaki ng angat ng kanyang showbiz career na nagsimula sa pagiging commercial model nito.
Dahil sa super sikat na si Richard Yap sa series ng ABS-CBN na Be Careful with My Heart kinontrata pa ulit siya ng sikat na noodle house last year at ‘yung napapanood na bago ngayon ay bagong commercial ni Ser Chief.
At take note, may new investment siya. Isa rito ang Chinese restaurant na sikat sa masasarap na Chinese cuisine na matatagpuan sa Roces cor. Tomas Morato. Idagdag pa ang business ng kanyang pamilya.
Sabi ni Richard ‘di raw niya ini-expect na malayo ang kanyang mararating sa pagiging commercial model ng noodles. Tapos nakapasok pa siya sa isang TV series noon na Binondo Girl. Akala niya ay first and last appearance niya ito, pero ‘yun pala ang simula ng kanyang career sa showbiz kahit na wala siyang kaalam-alam sa pag-aartista.
Malaki ang pasasalamat ni Ser Chief sa rami ng alok na endorsements na ginawa niya. In return pinagbuti niya ang kanyang pagiging showbizman at mayroon nga siyang new project sa ABS-CBN na inaayos ng kanyang manager.
Mga viewers hindi kumbinsido sa lolo ni Deniece, gustong ipatawag si Honesto
Sabi ng ilang tao na nanood ng Buzz ng Bayan nina Boy Abunda, Janice de Belen, at Carmina Villaroel kung saan featured ang kaso ni Vhong Navarro, Cedric Lee, Deniece Cornejo, at ang lolo nito, natural daw kampihan ni lolo si apong maganda. Sana raw kasama si Honesto at hawakan sa kanilang kamay sina Cedric, Deniece, at kanyang lolo, kasi lalaki ang ilong nila ‘pag nagsisinungaling sila...GANOON!!!