Walang makapipigil sa veteran drama actress na ito na muling magparetoke ng mukha dahil may bago nga raw siyang TV show.
Ayaw niyang magmukhang nanay na nanay sa kanyang role. Kaya mabilis siyang nagpa-appointment sa kanyang paboritong doktor.
Ang kaso ay ayaw na muna siyang galawin ng kanyang doktor dahil isang buwan pa lang nang huÂling mag-inject siya ng botox sa mukha nito. Baka raw magmukha na itong naninigas na bangkay kapag nilagyan pa nito ulit ang mukha niya.
Pero hindi nagpapigil ang veteran drama actress. Kailangan daw ay may gawin sa kanya or else mararamdaman niya ang kanyang edad. Hate na hate pa naman daw niya kapag ina-address siya as “Ma’amâ€. Feeling niya, Thunder Cats na siya lalo na kung dinudugtungan pa ng “po†at “opo†ang pakikipag-usap sa kanya.
Inamin ng veteran drama actress na obsessed siya sa pagpapabata at ayaw niyang mawala ang dating iÂmage niya noon na kinabaliwan ng maraming lalaki.
Hindi alam ng doktor kung ano ang puwede pang gawin sa veteran drama actress dahil wala na siyang nakikitang deperensiya rito. Hindi na niya bibigyan ng botox shot ang veteran drama actress dahil baka ‘yun pa ang ikamatay nito.
Nakiusap na lang ang veteran drama actress na kahit ang lips na lang niya ang medyo palakihin. Never daw niyang napapagalaw ang lips niya. It’s about time na mag-ala-Anne Curtis lips na siya.
Dahil sa kakakulit niya ay pumayag ang doktor. Pero temporary na lip filler lang ang nilagay niya sa veteran drama actress dahil ite-test muna nila kung walang chemical reaction ang kanyang katawan sa isasaksak na filler. Ilang weeks lang daw ang paglaki ng lips nito.
Kaya marami ang nagulat na parang kinagat ng bubuyog ang mga labi ng veteran drama actress. Pero proud siya dahil nakakapag-pout na siya na hindi nagmumukhang trying hard.
Philip Hoffman na-od daw?!
Natagpuang patay noong Linggo ng umaga ang Oscar-winning actor na si Philip Seymour Hoffman sa kanyang apartment sa Manhattan, New York.
Nakitang may nakatusok pang needle sa braso ng 46-year old actor. Suspetsa ng law enforcement officials na isang heroin overdose ang sanhi ng pagkamatay ng aktor.
Natagpuan si Hoffman na nakahiga sa bathroom floor na suot lang ay shorts at T-shirt. Sa tabi niya ay mga supot na may lamang drogang heroin.
Gustong malaman ng police authorities kung sino ang drug dealer ni Hoffman dahil ang ginamit nitong heroin ay matagal nang banned sa New York City.
May tatlong anak si Hoffman sa kanyang partner na si Mimi O’Donnell na balitang nakipaghiwalay na sa kanya.
Ang kaibigan ni Hoffman na si David Katz ang nakadiskubre ng walang-buhay niyang katawan nang puntahan siya nito sa apartment dahil hindi nito nasundo ang kanyang mga anak.
Ayon pa sa mga pahayag ng kanyang neighbors, napapansin nilang parang balisa at wala sa kanyang sarili ang aktor simula noong maghiwalay sila ni Mimi.
Inamin ni Hoffman na may history siya of drug addiction at nagpa-rehab na ito last year dahil sa kanyang heroin abuse.
Naglabas na ng isang statement ang pamilya ni Hoffman:
“We are devastated by the loss of our beloved Phil and appreciate the outpouring of love and support we have received from everyone.
“This is a tragic and sudden loss and we ask that you respect our privacy duÂring this time of grieving.
“Please keep Phil in your thoughts and prayers.â€
Isa si Philip Seymour Hoffman sa hinahangaan na Hollywood actor ngayon dahil sa husay niyang umarte. Nanalo siya ng Oscar best actor in 2005 para sa pagganap niya sa role ng writer na si Truman Capote in the film Capote.
Na-nominate pa siya ng tatlong beses sa Oscars para sa mga pelikulang The Master, Doubt and Charlie Wilson’s War.
Lumabas din siya sa mga pelikulang Almost Famous, Moneyball, Ides of March, The Talented Mr. Ripley, The Savages, Magnolia, Flawless, Mission: Impossible 3, at Along Came Polly.
Huling napanood si Hoffman sa box-office hit na The Hunger Games: Catching Fire. Kasama rin siya sa dalawang sequels pa ng The Hunger Games na Mockingjay Part 1 and 2. Pero dahil sa biglaang pagpanaw niya ay papalitan siya ng ibang aktor.