Aktres nakikipaghalikan na hindi nagto-toothbrush, leading man hindi kinaya

Nagulat kami na naninigarilyo pala ang isang aktres, akala namin ay wala siyang bisyo. Pero nabuking ito sa set ng isang movie na ginagawa niya. May kissing scene kasi sila ng leading man niya at nagreklamo sa kanya ang actor na nanigarilyo raw pala siya. Sa halip daw mag-apologize, natatawa pang sagot ng aktres, “naamoy mo? nagkendi naman ako, ah!” Tinalikuran na raw lamang siya ng leading man na hindi pala naninigarilyo.

Nakakaloka ang aktres, nakipag-kissing scene na hindi nag-toothbrush!

Toni takot ipanood ang love scenes nila ni Piolo

Personal naming kilala ang parents nina Toni at Alex Gonzaga, sa Taytay (Rizal) Vice Mayor Carlos Gonzaga at si Mommy Pinti dahil magkababayan kami. Kilala rin silang conservative family kaya hindi kami nagtataka kung alalang-alala si Toni sa sinasabi niyang iskandalosong love scene nila ni Piolo Pascual sa Starting Over Again, the Valentine presentation ng Star Ci­nema. Hindi raw kasi niya matanggihan ang director nilang si Olive “Inang” Lamasan nang sabihan siyang may nakipag-love scene ba na mukha lamang ang ipinakikita? Kaya ang pakiusap na lamang niya, huwag papanoorin sa premiere night ang parents niya.

Inaabangan tuloy ngayon ang premiere showing ng movie kung hindi talaga manonood ang mga magulang ni Toni. First time na magtatambal sina Piolo at Toni pagkatapos ng pinag-usapan nilang softdrink TV commercial noon na sumigaw siya ng “I love you, Piolo!”

Max nangangaliskis ang balat kapag naaarawan

Sa pagpasok ng new year, natupad na rin ang foremost dream ni Max Collins bilang isang artista - ang magkaroon ng solo starrer. Eight years na si Max sa showbiz, kaya tuwang-tuwa siya nang ibigay sa kanya ang afternoon prime drama series na Innamorata. Inamin ni Max na medyo na-disappoint siya nang tanggalin siya sa cast ng Carmela ni Marian Rivera, pero nawala agad iyon nang sabihan siyang may solo project na ibibigay sa kanya. Very challenging para kay Max ang role dahil may sakit siyang porphyria, na tinawag na vampire disease. Bakit challenging ang role niya?

“Bihira po kasi ang nagkakaroon ng ganitong sakit na ang problema ay sa dugo,” kuwento ni Max. â€œHindi sila puwedeng maarawan dahil mangangaliskis ang balat nila, kaya sa gabi lamang sila puwedeng lumabas. For the role I need to wear prosthetics of fake skin na two hours i-apply at two hours din ang pagtatanggal. Noong una, nagkaroon ako ng rashes sa face, pero ngayon nasasanay na rin ang skin ko.”

 

Show comments