Robin nagpunta pa ng Sweden para sa gagawing gay film kay BB
Dapat pala ay kasama si BB Gandanghari sa pelikulang Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak kaya lang hindi na natuloy. Magpoprodyus na lang si Robin Padilla ng pelikula para sa kanyang Ate BB na tailormade para sa kanya. Ang tema ay tungkol sa gay marriage na dalawa ang klase — ang isa ay sa simbahan at ang isa ay sa judge.
Tama naman ang pagpunta nina Robin at Mariel Rodriguez sa Sweden dahil makakapagbigay ito sa kanila ng kaalaman tungkol sa gay marriage. Pinapayagan kasi sa Sweden ang legal same sex marriage.
Sogo swak sa beauty pageant
Naglunsad ang Hotel Sogo ng Search for Mr. and Ms. Hotel Sogo Ambassadors para sa mga kabataang matatalino at dynamic couples na may advocacies na katulad ng sa Hotel Sogo.
Idinaos ang koronasyon noong Huwebes at sa pagpapakilala ng bawat kandidato at kandidata ay ibinahagi nila ang kanilang advocacies o magagandang adhikain tulad ng edukasyon, pagmamahal sa kalikasan, pagmamahal sa mga kapus-palad lalo na ng mga bata. Naaayon ang magagandang adhikain ito sa Sogo Cares ang company’s strategy para makatulong sa mga kapus-palad lalo na sa panahon ng kalamidad.
Ang paglulunsad ng Mr. and Ms. Hotel Sogo Ambassadors ay isang 13-segment program sa Gandang Ricky Reyes sa GMA News TV 11. Ito’y naglalarawan ng inspirasyon at mga adbokasiya ng 16 aspiring ambassadors.
2 manonood nasuka dahil sa matinding takot
Karamihan ng mga nanood ng premiere night ng Paranomal Activity: The Marked Ones ay nagsabing mas nakakatakot ang pelikula kaysa Paranormal 4. Dalawa sa mga nanood ay nadala ng nakakatakot na mga eksena na parang sila talaga ang biktima.
Dahil dito, dalawa ang nasuka sa sobrang sigaw dahil sa matinding takot.
May nag-comment na ang kultura pala sa Latin America ay tulad din sa ating bansa dahil sa Catholicism. Naniniwala sila sa mga faith healer at mangkukulam.
Palabas pa hanggang ngayon ang Paranormal Activity: The Marked Ones mula sa Solar-UIP.
- Latest