Hindi isang hold departure order ang inilabas ng Department of Justice (DOJ) sa mga suspect sa panggugulpi kay Vhong Navarro kundi isang pagÂre-record lamang na aalis ng bansa sina Deniece Millinette Cornejo, Cedric Lee, Ferdinand Guerrero, at Zimmer Rance. Inilagay din ang kanilang mga picture sa posts ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Pero hindi mapipigil ang kanilang pag-alis sa bansa. Ang gagawin lamang ng Immigration ay i-report iyon sa DOJ, sa Office of the Prosecutor General, at sa National Bureau of Investigation (NBI). Bahala ang tatlong ahensiya kung ano ang gagawin nila pagkatapos.
Taliwas iyon doon sa sinabing naglabas na ng watch list para pigilan silang umalis ng bansa. Wala naman kasing katibayan na may balak silang takasan ang kaso. In fact, sinabi ni Deniece na ilalaban niya ang kanyang karangalan at lilinisin ang pangalan ng kanyang pamilya. Ang pamilya naman daw ni Deniece ay nagbibigay ng suporta sa modelo, bagama’t hindi sila visible sa media.
Palagay namin, medyo sobra na rin ang usapan tungkol sa kaso nina Vhong at Deniece. Gaya nga ng sinabi namin, iyon ay isang kaso lamang ng bugbugan. Serious physical injuries lang at illegal detention ang demanda ni Vhong. Rape naman ang demanda ni Deniece. Kailangan pa nilang patunayan ang lahat ng ’yan sa hukuman. Sa parte ni Vhong, naroroon na nga ang katunayan na ginulpi siya. Sa kaso ni Deniece, inamin din naman ni Vhong na may nangyari sa kanila, kailangan lang na patunaÂyan ng babae na pinuwersa nga siya ng komedyante.
Pero ang sobrang opinion at espekulasyong lumalabas tungkol sa mga kaso nila, masasabi nga sigurong subjudice na eh. Napakaraming nagbibigay ng opinion sa mga kasong naiharap na sa korte. Ang mga opinyong iyon ay maaaring makaimpluwensiya sa magiging desisyon ng korte. Parang nagkakaroon na ng trial by publicity at ang magkabilang kampo naman ay masasabing ginagawa iyon.
Ang mas tama ay mapag-usapan ang nangyari sa korÂte, hindi sa publiko. Wala namang mangyayari anuman ang sabihin ng publiko eh. Ang korte pa rin ang magpapasya batay sa mga ebidensiya kung sino ang talagang may kasalanan.
James napipigilang dumalaw sa anak dahil sa PPO kay Kris
Hindi sa walang effort si James Yap kaya hindi niya nakikita ang kanyang anak na si James Jr., iyan ang sinabi ng abogado ng star cager na si Atty. Lorna Kapunan. Kasi kahit na raw sinabi ng korte na may karapatan si James na makita at makasama ang kanyang anak, naroroon pa rin ang problema dahil may pinalabas ding permanent protection order (PPO) ang korte na siyang pumipigil kay James na lapitan ang kanyang anak kung kasama ang dati niyang asawang si Kris Aquino.
Bukod doon, kasama rin sa PPO ang driver, yaya, maid, at bodyguards ng bata. Bawal din siyang tumawag at mag-text man lang sa mga taong sakop ng PPO.
Paano nga niya malalapitan ang kanyang anak kung kasama ang mga taong iyon?
Kung iisipin, binigyan nga ng visiting rights si James pero mayroon din namang pampigil para mangyari ang gano’n.
Aktor tuloy ang ligaya sa ex-GF na mas matanda kahit may asawa’t anak na
Ang akala ng magandang misis ay talagang nagpapakatino na ang kanyang asawang aktor. Hindi niya alam na patuloy pa rin iyong tumatanggap ng sustento at nakikipagkita sa dati niyang girlfriend na mas may edad sa kanya.
Ang sinasabi raw ng aktor sa rati niyang girlfriend, pinakasalan lang niya si misis dahil nabuntis niya iyon. Kaya tuloy pa rin naman ang ligaya nila ng kanyang ex.