Vhong matagal pang titira sa ospital, pulis nakapaligid

Sabi ng mga doctor ni Vhong Navarro, aabutin pa ng isang buwan o mahigit pa sa 31 days bago siya ganap na gumaling. Bukod kasi sa mga pasa sa mukha, may tinamong pinsala ang kanyang mga braso, kamay, hita, binti, paa, tagiliran, at iba pang parte ng katawan.

Kailangang tumigil siya ng ganito kahabang panahon sa ospital upang makatiyak na walang damage ang kanyang internal organs.

Sa isang presscon hosted by Vhong’s manager/director Chito Roño and their lawyer, nangakong tutulungan sila ni Secretary Mar Roxas. Bibigyan din si Vhong ng police protection upang pangalagaan sa mga nagtatangka sa buhay ng aktor.

Dahil sa kakatihan, bading na TV host natutukan ng kutsilyo sa leeg ng misis ng aktor

Nang matikman na ng balahurang beking TV host ang poging anak ng isang character actor, hindi pa nakuntento ang bading.

Nadinig niya kasi na higit na mahusay sa romansa ang tatay ng kanyang biktima. Panay pa rin ang dalaw ng baklesh sa bahay nila, kahit nga malayo na ito sa Kamaynilaan. Type niyang ma­tikman ang dakilang tatay.

Natunugan ni misis ang intensiyon ng beking panay ang regalo sa kanila. Tinutukan ang kafatid ng matalas na kutsilyo sa leeg at sinabi, “Hoy, tigilan mo ang pakay sa mister ko, bakla! Ibabaon ko sa leeg mo ang balaraw na ito!”

Afraid bigla ang beki at hindi na nagpakita sa lugar na ’yun!

BBC anchor adik sa teleserye nina Jodi at Richard

Maraming panahon na nating napapanood sa BBC World si Rico Hizon. Dati sa London, England siya based at reporter. Nang siya ang maging anchor sa BBC News Asia, lumipat siya sa BBC Singapore.

Marami namang Pinoy sa Lion City kaya hindi niya gaanong nami-miss ang bansa. Isa pang nakakalibang sa kanya roon ay ang panonood ng mga Pinoy teleserye. Isa sa regular favorite niya ang Be Careful With My Heart. Up to date si Rico sa mga latest happening kina Jodi Santamaria at Richard Yap sa istor­ya ng teledrama.

Maja naramdaman ang sakit ng mga ‘kerida’

Kahit kung minsan ay nasasaktan si Maja Salvador sa mga violent scene nila ni Angel Locsin sa The Legal Wife, hindi nagrereklamo ang pumapapel ng other woman.

Higit kasi siyang nai-inspire na ibigay ang kanyang best performance upang hindi gaanong maramdaman ang sakit at maging natural ang bawat eksena. Kahit kapirasong salita, wala siyang nasasambit. Binubuhos na lang ni Maja lahat sa pag-arte.

At least, nararamdaman niya na kung paano maging napakasakit ang maging kabit.

Hininga ng machong aktor nakakasuka, kinatatakutan ng leading ladies

Nagrereklamo na ang leading ladies ng popular macho dahil sa kanyang hininga ng dragon. Sobrang alingasaw ng kanyang bibig tuwing magdi-deliver ng dialogue, because of chain smoking.

Kapag wala na sa harap ng camera ang pogi, tuloy na naman ang hitit niya ng nikotina.

Ang warning ng mga partner niyang aktres, hindi sila papayag na maka-kissing scene ang aktor. Dapat may kasama siyang dentista upang obligahin siyang mag-toothbrush nang mabuti at magmumog ng potent mouth wash.

Ano kayang tatak ang marerekomenda mo, Chichalap?

AiAi mang-aagaw ng eksena kay Anne

Pumayag namang kontrabida ni Anne Curtis si Andi Eigenmann sa Dyesebel. Kung hindi papalitan ang mga pangalan ng characters sa original ni Mars Ravelo, ang role na gagampanan ni Andi ay ang kay Betty, na unang si Carol Varga ang nagpapel.

Si Carol ang isa sa pinakamahusay na kontrabidang napanood natin sa pelikula kaya mahirap pantayan ang kanyang performance, kahit na with Andi’s built-in maldita persona.

Si Kian naman, na best friend ni Dyesebel sa mga naunang version, si AiAi delas Alas ang gaganap. Tailormade sa komed­yana ang role at tiyak na aagawan niya ng eksena si Anne Curtis.

Show comments