Pabata nang pabata ang mga nagiging leading man ni Alice Dixson dahil ang young actor namang si Mark Neumann ang kapareha niya sa teleÂmoÂvie niya na ipalalabas sa TV5, ang The Lady Next Door.
Bilang matagal na rin sa industriya, ani Alice ay hindi naman daw naging mahirap sa kanya at hindi naman siya nailang. In fact, siya pa nga ang gumagawa ng move para maging komportable sa kanya si Mark.
“I tried to make him feel comfortable, and you know, whenever there’s a new experience na I think that can help him, like ’yung mga personal experience ko, sine-share ko naman sa kanya.
“Sinabi ko rin sa kanya na importante na ma-improve niya ang kanyang Tagalog because katulad ko rin, naging obstacle ko ’yun,†sabi ni Alice na isang Fil-Am.
May kissing scene raw sila rito ni Mark at aminado naman si Alice na mas nag-mature na talaga siya ngayon when it comes to doing daring roles.
“Hindi tulad noong bata pa ako, teenybopper. I was very conservative, ‘Ayokong gawin ’to.’ But you know, like I said, I take my work seriously at kung hinihingi talaga ng eksena, ibinibigay ko,†diin pa ng aktres.
Anyway, ang The Lady Next Door ay pilot episode ng apat na telemovies na ipalalabas sa Singko. Mapapanood na ito sa Feb. 4.
Xian binastos ang kamukha ni Kim!
Ang daming nabastusan kay Xian Lim sa ginawa niya sa Kalokalike ni Kim Chiu sa nakaraang live presentation ng Banana Nite last Thursday night.
Habang kumakanta si Xian ay lumabas on stage ang Kalokalike ni Kim pero tahasan siyang dinedma ng aktor.
After the song ay sinabihan ni Xian ang impersonator na kamukha siya ni Bea Binene at paulit-ulit niya itong sinasabi kahit iniiba na ni Jayson Gainza ang topic.
Say pa ni Xian, “Tanungin natin kung anong teÂleserye niya sa GMA. Si Bea Binene.â€
Maraming naloka sa behavior na ito ni Xian at katakut-takot na negative comments ang nakuha niya mula sa netizens that night pa lang.
Sinabihan siyang rude at bastos sa social media at maraming nagkomento na hindi ganun ang tamang pagtrato sa isang babae.
Nag-sorry naman kaagad si Xian sa kanyang inasal ng madaling-araw ng Jan. 31 matapos niya marahil ma-realize na maraming nagalit sa kanya.
“I deeply apologize if I caused negative feelings while singing onstage during the Chinese New Years Eve countdown…
“It was not my intention, and I take full responsibiÂlity for my actions.
“HAPPY CHINESE NEW YEAR EVERYONE! :-)†post ni Xian sa kanyang Twitter account.