Start na sa ere ang The Legal Wife na may posibilidad na maging pelikula dahil sa totoo lang ang dating nito ay pampelikula, story-wise, casting-wise, at direksiyon nina Rory Quintos at Dado Lomibao. Eh bigatin kaya ang casting na pinangungunahan nina Angel Locsin, Jericho Rosales, Maja Salvador, Mark Gil, Rio Locsin, Joem Bascon, Ahron Villena, ang numero unong aktor na si Christopher de Leon, at ang bagong lipat na si JC de Vera.
Bakit daw napasama si Bro. Boyet sa ganoong klase ng teleserye, hindi naman siya ang leading man? Sa pagkakaalam namin ay ’di naman siya pihikan. Ang mahalaga sa kanya ay ang ganda ng project, ganda ng role na gagampanan, at ang execution o direksiyon ng proyekto.
Tatlong mahahalagang bagay ang tinitingnan ni Bro. Boyet sa TV at movie projects bago niya tanggapin at gawin ito, ang mismong project at script, casting at co-stars, at ang director.
Tinanong namin si Angel, if ever ba na mag-aasawa na siya at matuklasan na may other woman ang dyowa niya, lalapitan ba niya agad para awayin at sampalin? O mananahimik muna siya, iiyak, at maghahanap ng katibayan na may kerida talaga ang dyowa niya?
Ang sagot ng aktres ay hindi raw muna siya magpapadalus-dalos. Masama raw siyang magalit eh kaya bago raw niya lumpuhin o mapatay ang babae, dapat ay may katibayan o ebidensiya siyang hawak at hindi siya magi-guilty pagkatapos.
Sen. Bong at Vhong walang kinatatakutan
Saludo kami sa dalawang taga-showbiz na naging matapang sa katotohanan, sina Sen. Bong Revilla, Jr. at It’s Showtime host and dancer na si Vhong Navarro.
’Yung kaso ni Sen. Bong, alam na ’yun ng lahat, may kinalaman sa pork barrel scam at nagsalita na nga siya sa kanyang privilege speech sa Senado last week.
Si Vhong naman ay nagsalita na rin sa Buzz ng Bayan at nagtukoy na ng ilang pangalan sa pambubugbog. Ang tatapang nila.
Saludo ako sa inyo. Kasiyahan kayo ng ating Panginoong Diyos!