Hindi nga naging cooperative ang manager ng young actor dahil hindi nito feel ang pina-partner sa alaga niya na young actress. May ilusyon kasi ang manager na kayang sumikat ng kanyang alaga kahit na walang love team.
Kaya tuwing may mga guesting ang kanyang alaga, umaayaw siya kapag nandoon din ang young actress na pina-partner dito. It’s either piliin nila ang alaga niya o ’yung young actress na lang ang magiging guest nila.
Kaya imbiyerna na ang marami sa ugali ng manager ng young actor dahil sa kayabangan nito at feeling na magiging big star ang alaga niya. Mas marami tuloy ang kumakampi sa young actress dahil mabait at walang kaere-ere sa katawan kaya naman mas isinisigaw ang pangalan nito kesa sa ka-love team na young actor.
Napatunayan nga sa isang mall show nang unang lumabas ang young actor ay walang masyadong pumalakpak.
Nag-perform ito ng solo dahil sa instructions ng maepal niyang manager. Noong matapos ay wala man lang sumigaw sa pangalan niya.
Pero noong tawagin ang young actress ay biglang nagsisisigaw ang fans at panay ang taas nila ng plaÂcards. Patunay na mas sikat ang young actress at hindi nito kailangan ang young actor para makasama niya sa entablado.
Noong matapos ang number ni young actress, tinawag ng host ang young actor na nasa dressing room lang. Pero nakaalis na raw ito at kasama ang mayabang na manager.
Say ng staff, mabilis daw na umalis noong marinig ang malakas na palakpakan sa young actress.
Feeling nila ay ayaw nitong mapahiya ang kanyang alaga kaya umalis na sila dahil mas hanap nga fans ay ang young actress at hindi ang alaga niya.
Bianca buo ang suporta kay Vhong, kahit maraming naging sama ng loob noon
Nagsalita na rin ang ex-wife ni Vhong Navarro na si Bianca Lapus at sobra itong nagulat sa mga nangyari sa ama ng kanyang anak na si Yce. Lalo na sa mga paratang ng ibang tao sa aktor. Kahit na hindi naging successful ang relasyon nila ni Vhong ay naging mabait itong ama at naging magkaibigan naman sila sa bandang huli.
Inamin ni Bianca na marami siyang sama ng loob kay Vhong noon pero naka-move on na siya at tinanggap niyang hindi sila para sa isa’t isa.
Saksi kami sa naging love story nina Bianca at Vhong. Kami ang unang nakakitang nagde-date ang dalawa noong 1995 sa Hard Rock Café, Makati City. Nagsisimula pa lang si Bianca noon bilang artista at Streetboys member pa lang si Vhong. Palihim pa ang date nila pero nabuking namin ang secret date nilang iyon.
Kahit sa panganganak at binyag ng anak nilang si Yce ay saksi kami. Nakakalungkot lang na hindi sila naging matatag sa kanilang relasyon at nauwi sa annulment ang kanilang kasal noong 2008.
Pinadala na lang ni Bianca ang kanyang statement via photo na kuha sa kanyang iPhone. Sana raw ay sapat na ito para maipakita niya ang suporta niya para sa kanyang dating mister.
Taylor Swift bokya sa Grammys, big winners hindi mga ’Kano
Hindi Americans kundi mga foreign artist ang big winners ng katatapos lamang na 56th Grammy Awards na ginanap sa Staples Center in Los Angeles, California.
Big winners ng gabing iyon ay ang French electronic disc jockeys na Daft Punk na nanalo ng album of the year at best dance album para sa Random Access Memories at Record of the year at best pop duo performance for the dance hit Get Lucky.
Ang 17 years old na taga-New Zealand na si Lorde ay nanalo ng best pop solo performance at song of the year for Royals. Tinalo nga niya ang kanyang mga kalaban na sina Katy Perry, Bruno Mars, at Justin Timberlake.
Nauwi naman ng newcomers from Seattle, Washington na sina Mackelmore & Ryan Lewis and award for best new artist, best rap performance, best rap album (The Heist) and best rap song for Thrift Shop.
Ang Grammy favorite na si Taylor Swift ay walang nauwing tropeo this year dahil napanalunan ang best country album and best country song ni Kacey Musgraves para sa album niyang Same Trailer, Different Park at sa single na Merry Go Round.