Suportado ng movie industry sa pangunguna ni Ms. Marichu Maceda, ang laban ni Vhong Navarro sa kanyang mga accuser. Inaayos pa lamang nila ang mga statement of support ng bawat grupong bumubuo sa movie industry tulad ng Professional Artist ManaÂgers, Inc. (PAMI), MOWELFUND, Movie TheaÂters Association, Optical Media Board (OMB), at iba pa.
Magpapatawag sila ng presscon para makapagbigay ng updates sa mga nangyayari kay Vhong.
Bangko sentral pumabor sa pagbutas ng barya
Matapos naming mapanood ang pilot episode at day two ng Carmela ni MaÂrian Rivera, binabati na namin ang mga namumuno sa magandang story na ang bilis ng pacing, sa pagsasalaysay ni Marian ng nangyari sa kanyang inang si Amanda (Agot Isidro) kung bakit tinawag itong malas.
Ipinakita rin ang pagkakapulot ni Amanda, nang madapa siya habang nagpapasan ng Krus, ng malaking one peso coin na lumabas noong 1982, na binutasan niya at ginawang kuwintas, dahil iyon daw ang magdadala sa kanya ng suwerte.
May nag-question among the entertainment press na hindi raw ba bawal na butasin ang pera, sinagot agad ito ng production manager na si Helen Rose Sese na bago nila ginawa iyon ay nag-submit sila ng sulat sa Bangko Sentral ng Pilipinas na humingi sila ng permission na magbubutas sila ng one peso coin dahil kailangan sa story. Pinayagan naman daw sila.
Maganda ang story ng Carmela na sinulat ni Suzette Doctolero at ang ganda ng camera works ni director Dominic Zapata. Nag-trending agad worldwide ang soap. Napapanood ito pagkatapos ng Adarna.
Pa-sweet na actress-TV host lumabas ang pagka-halimaw nang masagi ng sinasakyan ang isang taxi
Noong isang araw, muntik nang masagihan ng isang Land Cruiser ang sinasakÂyan naming taxi dahil gusto niyang unahan ang taxi kaya naikuwento ng taxi driver na nangyari na raw iyon sa kanya minsan. Isang kotse raw ang nagpilit na unahan siya at nabangga ng driver ang likuran ng taxi niya. Nagulat siya nang ang bumaba ay isang actress/TV host na siya pang nagalit at kung anu-ano ang sinabi sa kanya samantalang kita naman daw na ito ang may kasalanan.
Sa inis daw niya, nasabihan niya ang actress/TV host na hindi pala totoo ang ipinakikita nitong sweetness on television dahil masama ang bibig nitong magsalita. Kaya raw simula noon, hanggang sa ngayon, kapag nasa bahay siya ay hindi niya pinapanood ang TV show nito dahil napaplastikan siya sa pa-sweet na pagho-host nito sa show.