Vhong inaalok ng libreng trauma counseling ng fans

Pagkatapos sabihin ni Vhong Navarro ang name ng girl sa Buzz ng Bayan ng ABS-CBN na si Deniece Millinette Cornejo kay Boy Abunda kahapon na nang-imbita sa kanya sa isang condo sa The Fort, Taguig City ay biglang na-curious ang lahat kung ano ang hitsura nito.

 Kaya kanya-kanyang silip sa picture niya sa Internet na ikinalat agad ng netizens. Pinagsama pa ang picture niya sa lalaking binanggit din ni Vhong, si Cedric Lee, at ginawan din sila ng sariling Face­book page. Katakut-takot na mura at sari-saring comments ang inani ng dalawa. Bumuhos din lalo ang simpatya para sa komedyante sa social media na mas doble pa ang bilang at world trending na hindi lang dahil sa kanyang bugbog kundi sa pambababoy na sinapit niya.

Hindi lang hustisya ang isinisigaw ng fans ni Vhong, meron ding nag-aalok ng mga support, prayer, advice, at libreng trauma counseling kung naghahanap daw ang mga kamag-anak ni Vhong. Kailangan nga naman ni Vhong ng counseling dahil sa matinding sinapit nito.

Mahabang-habang healing process ang pagdadaanan ng comedian-TV host kahit maghilom na ang mga pasa at maga sa kanyang mukha dahil ang trauma ng pambababoy at takot na naiwan sa kanya ay malalim na magmamarka sa kanyang buhay.

Kim kinulang sa landi

Totoo pala talaga ang balitang super ganda ng romantic comedy movie nina Kim Chiu at Xian Lim, ang Bride for Rent ng Star Cinema. Pambalanse raw sa masalimuot nating paligid. Hindi lang kilig ang hatid ng grupo ni Kim dahil humahagalpak sa tawa ang mga manonood. 

Pampagulo pa ang character ni Empoy na ngalay na yata ang panga ng mga tumatatawa habang naghahanap ng lasting love ang mag-asawang Kim at Xian hanggang sa matagpuan nila ang forever love na hinahanap nila.

Puwede nang maging komedyante si Kim kaso kulang pa siya sa paghugot ng tamang emosyon sa parteng inilabas niya ang dila na sana ay takam na takam siya sa yummy na katawan ni Xian. Kulang pa sa landi kumbaga pero maganda na ring nairaos ng Tsinita ang eksena.

Ang bilis din ng improvement ni Xian sa pag-arte dahil may ibubuga siya kahit bigyan pa siya ng mas matinding role next time.

Congrats kay Direk Mae Czarina Cruz dahil iba talaga ang nagagawa nang in love kasi nailabas ng direktor sa magandang istorya ng Bride for Rent.

Jao, pagpi-painting ang bonding sa mga anak

Kung napanood na tatay ng pari si Jao Mapa last year sa movie ni Rocco Nacino sa Calungsod film, ngayon ay gaganap naman siyang rapist ni Rajah Montero sa indie movie na Kamandag ni Venus.

Bad boy daw siya rito at suki na si Jao sa indie film kaya lagi pa rin naman daw siyang in sa mga eksena. Hindi naman siya worried dahil alam naman daw ng kanyang tatlong anak na role lang niya ang ginagawa. Alam naman ng mga anak niya na good daddy siya. Sa katunayan ay hands-on si Jao sa kanyang mga tsikiting. Madalas nilang bonding ay mag-drawing ng kung anu-anong maisipan ng mga bata. Hindi raw niya tinuruan ang mga ito. Namana lang daw ang talent niya sa pagpi-paint na ang hilig na gawan ng canvass ni Jao ay ang mga social medium tulad ng mga simpleng naglalaba, naglalaro ng chess, at kung anu-anong makita niya sa paligid. Taun-taon ay nagdadaraos si Jao ng kanyang exhibit para i-share ang mga natatapos niyang gawa sa publiko.

Samantala, Feb. 3 ang regular run ng pelikulang Kamandag ni Venus. Kasama ni Jao rito sina Sharmaine Arnaiz, Leandro Baldemor, Francis Enriquez, at Rob Sy.

 

 

Show comments