^

Pang Movies

Ina ng sikat na young actor, mukhang donya na

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinapansin na ngayon ang madir ng isang young star. Kung dati ay iniisnab-isnab ang ina nung panahon na hindi pa sikat ang anak, ngayon ay pati suot na damit ng ina ay pinupuri, huh!

Eh maaliwalas na rin kasi ang mukha ng ina ngayon. Nabawasan na nga naman ang personal niyang problema at nababahaginan na rin siya ng kita ng anak! Hindi gaya noon na talagang hirap na hirap siya sa buhay lalo na’t hindi lang naman siya ang naanakan ng ama ng anak, huh!

Mabait naman kasi ang anak kaya nabiyayaan ng ma­­ga­­gandang breaks. Huwag lang daw sanang maunang mag­­bago ang ugali ng ina kesa sa anak dahil tiyak na ma­ka­­kaapekto ito sa kasikatan ng anak ’pag umiral na ang pagiging stage mother nang todo!

Dahil sa tambak na problema sa pelikula Mariel nalagas ang buhok sa stress nang gawing producer ni Robin

Nalagas daw ng buhok ni Mariel Rodriguez nang ipamahala ni Robin Padilla ang pagiging producer ng Sa Ngalan ng Ama, Ina at Mga Anak na halos lahat ng artistang member ng Padilla clan ay kasama sa cast. Pinag-awayan pa nga nilang mag-asawa kung itutuloy nila ang pagtatapos ng movie.

“Na-realize ko na mahirap talaga sa production. Naramdaman ko ’yung feeling na nandoon ka sa kabilang side. Mahirap pala. Sobra ’yung stress. Hindi ko kaya. So stop shooting! Hahaha! Gano’n kadali,” pahayag ni Mariel sa presscon ng movie.

Ayon naman kay Mariel, well compensated sila pagdating sa talent fee na ibinigay.

 â€œâ€™Yun ang maganda roon na kahit na pamilya, si Robin, gusto niya, ibigay ’yung dues nila bilang artista. ’Yun ang totoo roon. Ako na ang sumagot dahil alam ko ang mga talent fee nila. Eh nag-production ako eh. Hahaha!” rason ng dating TV host.

Si Daniel ba ang may pinakamataas na talent fee?

“Ask him. Hindi naman si Daniel ang nagbigay ng presyo. Si Robin,” saad ni Mariel.

“Ako, ako! Ang totoo niyan, ayaw maningil ng papa niya. Pati si Karla (Estrada). Ayaw nilang lahat maningil eh. Mas matindi kasi ’yung bonus. Kaya mas mabuting bayaran na lang para ’yung bonus hindi na masyadong malaki. Tactics lang ’yon!” katuwiran naman ni Robin sabay natawa.

ANAK

HAHAHA

MARIEL

MARIEL RODRIGUEZ

MGA ANAK

ROBIN PADILLA

SA NGALAN

SHY

SI DANIEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with