Aljur ‘nakatikim’ kay Robin!

Sa presscon ng Sa Ngalan ng Ama, Ina at Mga Anak ay natanong namin sa bidang si Robin Padilla ang tungkol sa kumalat na balita sa showbiz kamakailan lang na patay na raw si BB Gandang­hari at inililihim lang umano dahil maselan ang naging sakit nito.

Aware naman si Binoe na may balita ngang ganun na nakarating sa kanila pero hindi siya nag-aalala dahil may communication daw sila sa kapatid.

“May contact kami eh. Kung wala kaming contact, mag-aalala ako. Pero may contact kami eh,” say ni Binoe.

Pero ang ina raw nilang si Eva Cariño-Padilla ay nag-worry kahit pa nakakausap nito si BB.

“Si Mama ang nakakatawa dahil may contact, nag-alala pa siya. Sabi niya, ‘Hindi nga anak, baka may nangyari.’ Eh sabi ko naman, ‘Sino ’yung kausap natin?”

“Kung ’di pa si Mariel ang nagsabi sa kanya hindi maniniwala sa akin. Si Mariel ang nagsabi kay Mama na ‘totoong nakakausap po natin, Ma,’” kuwento ni Robin.

Dapat ay kasama rin si BB sa pelikula pero ayaw daw ng kapatid dahil lalaki ang role niya rito at hindi gay. Say ni Binoe, ayaw daw mag-Rustom Padilla ng nakatatandang kapatid.

Muntik na nga raw hindi matuloy ang pelikula dahil medyo uminit ang ulo niya nang malamang ayaw na ni BB na gawin. Thanks to Rommel dahil kinalma raw siya at kinausap talaga nang mabuti na ituloy nila ang project.

Showing na sa Jan. 29 ang Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak mula sa direksiyon ni Jon Villarin under Star Cinema and RCP Productions.

Kasama si Aljur Abrenica sa Sa Ngalan ng Ama, Ina at Mga Anak na alam naman nating boyfriend ng anak niyang si Kylie Padilla. Kaya natanong si Binoe kung kumusta namang katrabaho ang BF ng anak.

Kuwento ni Binoe, nakapag-dialogue nga rin siya kay Aljur ng “itigil na natin ’to” dahil sa isang incident habang nagsyu-shooting sila.

 â€œMay shooting kasi sila ni Kylie sa Osamis. Namili kami ng location ng maganda, lahat, sabay naiwan ng eroplano si Aljur eh nandun na si Kylie.

 â€œHindi naman ako (after) sa nagastos sa shooting, naawa ako sa anak ko,” say pa ni Binoe.

Pero naging okay naman daw afterwards and wala naman daw siyang problema kay Aljur bilang BF ng anak.

 â€œMatanda na anak ko. Kuha na niya ’yun. Alam na niya gagawin niya. Basta ako, ang paalala ko lang lagi, Muslim siya. Paalala lang ako. Siyempre kalayaan naman niya ’yung kung ano’ng gusto niyang religion,” diretsong sabi pa ng action star.

Hindi raw ibig sabihin nito ay hindi welcome si Aljur sa pamilya.

 â€œWelcome na siya. Ilang beses nang pumupunta sa amin ’yan, iniimbita ni Mariel. Ang lakas niya kay Attorney eh. Ang attorney niya, si Mariel. Lagi niyang sinasabi, ‘Kung gusto mong makitang masaya ang anak mo, imbitahin natin (si Aljur),” saad pa ni Binoe.

 

Show comments