Hiro Peralta sa GMA gustong mag-grow

MANILA, Philippines - Pumirma uli ng kontrata sa GMA Network ang 19-year-old heartthrob na si Hiro Peralta. Makikita sa larawan ang pag-welcome sa teen star ng GMA officers matapos ang pag-renew sa isang three-year exclusive network contract na ginanap sa GMA Network Center.

Kasama ni Hiro ang kanyang manager na si John Fontanilla pero co-managed ang aktor ng GMA Artist Center. Ang mga executive na dumalo ay sina  Atty. Felipe L. Gozon (chairman at chief executive officer), Lilybeth G. Rasonable (Entertainment TV’s senior vice president), Gigi Santiago-Lara (assistant vice president for Alternative Productions), Simoun Ferrer (GMA Artist Center assistant vice president at Head for Talent Imaging and Marketing Unit), at Charles Koo (program manager ng Entertainment TV).

  â€œSobra akong happy kasi gusto ko talaga sa GMA. Ever since noong nagsisimula pa lang ako sa Tween Hearts, gusto ko na rito ako mag-grow at matuto,” sabi ni Hiro sa contract-signing event.

 Sa ngayon ay Hiro ay busy na ang aktor sa singing at acting workshops bilang paghahasa pa sa kanyang kakayahan. Nagpahayag din siya na gusto niyang makatrabaho sina Derrick Monasterio at Barbie Forteza sa mga darating na project.

 Nakikita naman ni Rasonable ang potential ni Hiro na talagang isa sa kanilang homegrown artists, “We saw his potential nung pumasok siya sa Tween Hearts. After Tween Hearts, kinontrata na natin siya kasi nakita naming may talent siya at nagsunud-sunod ang projects niya sa drama. Kaya hanggang ngayon gusto pa rin namin siyang i-develop.”

 

Show comments