Kinumusta namin kay Yayo Aguila ang kaso ng kanyang anak na si Patrizha Martinez na “acts of lasciviousness†laban sa kontrobersiyal na aktor na si Baron Geisler.
Ayon kay Yayo, naglabas na last year ng verdict ang korte at “guilty†ang naging hatol sa aktor. Sinabi rin niya na nag-apela sa korte ang kampo ni Baron pero ni-reject ito.
This year daw ilalabas ang final verdict sa kaso nila kay Baron.
Sa tanong kung kaya pa ba niyang mapatawad si Baron dahil sa ginawa sa kanyang anak, sagot naman ni Yayo ay matagal na niyang napatawad ang aktor.
Kahit na noong time na mainit na mainit pa ang kaso I’ve already forgiven him. Pero sana kung ginawa niya ang humingi ng sorry bago kami nag-file ng kaso it would have been different. Walang ganito na nangyayari sa amin ngayon.
“Sino ba naman ang gustong gawin ang ganyan sa isang tao, ‘di ba? Lalo na’t tinuring ko na parang anak na si Baron,†pahayag ng aktres.
Sinabi na ni Yayo noon pa na naghihintay lang silang mag-public apology si Baron sa kanyang anak.
“I know na mahirap ito for Baron lalo na’t gusto niyang magsimula ulit. Pero wala na nga kaming magagawa pa dahil ang korte na ang may huling desisyon sa lahat.â€
Malaki na nga raw ang nawawala kay Baron dahil sa naging “guilty†verdict sa kanya. Inalis na raw ito sa mga project na dapat ay kasama siya. In short, jobless ang aktor dahil sa ginawa niyang pagkakamali.
“If I can do anything to help him gagawin ko. Pero siyempre anak ko na ang nagawan ng hindi tama. I can only pray that Baron will finally accept everything dahil ito ang makakatulong sa kanya,†sabi ni Yayo na mapapanood sa afternoon series ng GMA 7 na The Borrowed Wife.
Mga OFW na namomroblema tutugunan na sa Boarding Pass
Dahil sa rami ng mga Overseas Filipino Worker (OFW), marami ring pinapasok ang ating mga kababayan na hindi nila masyadong alam, lalo na kung first time kang magtatrabaho sa ibang bansa.
Mabuti na lang at merong bagong weekly magazine program ang GMA News TV na handang tumulong sa ating mga kababayan at sa mga legal problem nila sa kanilang mga trabaho abroad. Ito ay ang programang Boarding Pass.
Hosted by Atty. Mike Templo, ang Boarding Pass ay magpapakita ng inspiring stories ng mga OFW at tutulong nga ang show para sa iba’t ibang aspeto na kinakaharap ng mga OFW tulad ng immigration, finance at employment.
“I’ve been practicing immigration law for the past twelve years. I graduated in 2002 from Touro Law School in New York. As an immigrant myself, alam ko ang mga pinagdaraanang hirap ng ating mga kababayan dahil dumaan din ako sa ganyan.
“Sa NYC na lang, marami akong nakikilala na mga kababayan natin na may mga problema sa immigration laws, lalo na sa mga petition, etc.
“Kaya naisip kong mag-produce ng ganitong show para makapagbigay tayo ng libreng legal advise sa ating mga kababayan. It’s our own little way to help our fellow OFWs,†sabi ng abogadong TV host.
Hindi na bago sa TV hosting si Atty. Mike dahil naging host na siya ng show na Crossing Borders sa ANC 21 in 2009.
In 2010 ay naging news anchor naman siya sa isang news program sa TV5.
Sa Boarding Pass ay magiging co-host niya via Skype sina Atty. Rio Guerrero at Atty. Sue Yee na parehong based sa New York at nagtatrabaho sa isang malaking law firm doon.
Ang mga segment ng show ay Balikbayan Box na nagpi-feature ng mga buhay ng mga successful Pinoys working abroad; Sikap Pinoy na para sa pag-alaga ng mga kinikita ng mga OFW through different business and investments; at Happy Trip na magpapakita ng mga exciting at affordable travel destinations na puwedeng ma-afford ng mga OFW at ng kanilang pamilya.
Sa unang episode ng Boarding Pass, special featured guest ang ‘70s OPM icon na si Vincent Dafalong na ang dalawang anak ay mga successful OFW sa US at Japan. Guest din ang entrepreneur na si Yexel Sebastian na dating nagtrabaho bilang dancer sa Japan pero ngayon ay proud owner ng sikat na sikat at dinarayo na Yexel’s Toy Museum sa Pilar Village, Las Piñas City.