MANILA, Philippines - Aabot pa raw hanggang Marso ang Madame Chairman ni Sharon Cuneta. ’Yun nga lang, mga unknown ang magbibida sa papalit na programa ng Megastar sa TV5.
Ang dinig namin, isang weekly drama ang next project ni Shawie sa Kapatid Network. Kulang pa nga lang ang detalye naming nakuha kung siya ba ang magbibida sa weekly episode o mag-aala-Charo Santos o Mel Tiangco ang drama ng Megastar.
Ke host o artista, higit na maaaliw ang manonood ng Madame Chairman ni Shawie lalo na’t may special guesting sa susunod na episodes si Richard Gomez.
Piolo kakaba-kaba sa pelikula nila ni Toni
Kakaba-kaba ngayon sina Piolo Pascual at Toni GonÂzaÂga dahil sa pagiging blockbuster ng Bride for Rent nina Kim Chiu at Xian Lim. Ang project kasi ng dalawa ang next offering ng Star Cinema dahil ‘yung movie nina RoÂbin, Daniel, at iba pang Padilla ay released lang ng movie outfit.
Bale pre-valentine ang Piolo-Toni movie. Eh alam naman ng lahat ang kinahinatnan sa takilya ng huling movie ni Piolo na On the Job. Buti pa si Toni, blockbuster ang huling movie.
Kahit kasi kikay-kikay ang Multi-Media Queen malakas pa rin ang hatak niya sa mga tao. Luka-luka kasi ang dating kaya naman bentang-benta siya sa manonood.
Piolo needs a blockbuster movie at wish ng lahat na si Toni ang maging suwerte niya sa bagong movie!
Actress-politician pinagtatawanan na lang ng mga iniimbita
Lihim na pinagtatawanan na naman ang text ng isang actress-politician na nag-iimbita ng media para sa kanyang event. Hindi ‘yung mali-maling grammar sa text na ipinadala ang rason ng tawa ng press. Sanay na naman kasi sila sa maling Ingles ng actress-politician.
’Yung feeling na parang nag-uutos kasi ang actress-politician. Na agad maaakit sa kanyang text kaya kailangan siyang puntahan. Kaso malayo ang venue ng event niya kaya naman nagdadalawang-isip pa ang mga tineks ng actress-politician.
Eh kung meron namang event na mas malapit-lapit, bakit kailangan pang puntahan ang actress-politician?