Matapos resbakan ang gobyerno: ‘Hindi po ako natatakot’ – Bong

Naluha-luha ako sa sinabi ni Senator Bong Revilla, Jr. sa kanyang privilege speech sa Senado na sasabihin na niya ang katotohanan dahil ito ang hiling ng ama niya na si former Senator Ramon Revilla, Sr.

Na-feel ko ang sobrang pagmamahal ni Bong kay Papa Ramon na kahit nakaupo sa wheelchair eh nagpunta sa Senado para saksihan ang pagsasalita ng kanyang anak na idinadawit sa pork barrel scandal.

Nakakaiyak din ang sinabi ni Bong na ayaw na niya na magkimkim ng sama ng loob. Alam ko ang pinanggagalingan ni Bong dahil naikuwento niya sa akin ang pinagdaraanan ng kanyang pamilya. Ito ang last part ng speech ni Bong na may kurot sa puso.

“We all have been witness to a calibrated plan of piece meal and serial revelations aimed to create a bandwagon of hatred.

“I, including my family and children, have been vilified and demonized in media. Kawawa naman po ang aking buong pamilya. Mr. President, tama na po na ako ang kinukutya. Pero tama po ba na pati ang mga bata na wala naming kinalaman sa pulitika ay kinukutya? Tama po ba na sila ngayon ay binu-bully?

“Dahil sa mga imbentong paratang at panini­rang puri, ay masyado ito na dinamdam ng a­king anak kaya’t tumigil muna siya sa pag-aaral ng abogasya. Napakasakit po para sa akin, bilang isang magulang na sa halip na ako mismo ang mag-protekta at ma­ngalaga sa aking mga sariling anak, ay tila ako po ang pinagmumulan ng kanilang paghihirap ng kalooban at pinagmumulan ng kanilang kahihiyan.

“Napakasakit po Mr. President na  makita ang aking mga anak at mga pamangkin na itinatago ang kanilang pag-iyak at pilit na nagpapakalakas para bigyan din ako ng tibay.

“ Mr. President, kailan lang, sa isang restaurant sa Tagaytay, may matanda na lumapit sa akin. Tinapik niya ako sa balikat, sabay hawak ng mahigpit sa aking braso’t kamay,. Nangingilid pa po ang mga luha sa kanyang mga mata. Aaminin ko, Mr. President, nagulat ako.

“Bigla na lang nagliwanag sa akin ang lahat pagkatapos niyang sambitin, “Senator, ‘wag kang bibitiw ha? Lumaban ka. Naniniwala kami sa’yo.”

“Hindi ko po siya kilala Mr. President pero kung naririnig niya ako ngayon, salamat po uli Tay. Isa kayo sa mga dahilan kung bakit patuloy ako ngayong tumitindig at lumalaban. Tay, hindi po ako bibitiw. Salamat po sa paniniwala ninyo.

“Hindi po ninyo alam, matagal na rin akong sinasabihan ng aking ama. Paulit-ulit siya, “ Anak, magsalita ka na. Kakampi natin ang katotohanan. Ipaglaban mo ang ating dangal at ang a­ting pangalan.

“Daddy, eto na po. Ipinaglalaban ko po ang katotohanan. Ipinaglalaban ko na ang ating dangal.

“ I have already accepted whatever fate has in store for me. I have already accepted this political persecution and I will face whatever comes next.

“Ginoong Pangulo, tanggap ko na po kung anuman ang nakatadhana sa akin ayon sa sabwatan ng mga kapanalig ng Pa­ngulong Aquino. Haharapin ko kung anuman ang parating. I am not afraid. Hindi po ako natatakot. I have already surrendered my fate to God.

“Sabi nga  po sa Isaiah Chapter 41 verses 10 and 11: “ So do not fear, for I am with you; do not be dismayed for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand. All who rage against you will surely be ashamed and disgraced; those who oppose you will be as nothing and perish.”

Show comments