Vice Mayor Isko walang magagawa sa pagbuhay ng Metropolitan Theater
Ayon mismo kay Isko Moreno, kahit siya pa raw ang maging mayor ng Manila ay hindi pa rin niya mapapabuksan ang Metropolitan Theater sa Lawton dahil ang dapat daw kasing tawagan ng pansin ay ang GSIS (Government Service Insurance System) dahil pag-aari raw ito ng gobyerno.
Ang himutok naman ni German Moreno, na siyang nangunguna na buhayin muli ang Met, ay ganun na lang ba ’yun at hahayaan na nga namang mabulok lang ang teatro? Samantalang kung pabubuksan ay malamang na kumita pa ito, pati na rin ang gobyerno.
Samantala, kung last time ay nakatapos ng short executive program si Isko sa Harvard University, ngayon ay may natapos uli ang vice mayor pero sa Oxford naman sa London last November. Marami raw siyang natutunan na iba-ibang paraan kung paano pa maging mas effective na leader. Tsamba lang daw sa isang katulad niyang minsan ay naging basurero pero nabigyan ng pagkakataon kaya hanggang maaari ay hindi siya titigil sa pag-aaral para lalo pang matuto.
Angel may karibal na agad kay Luis
Ang guwapo naman ni Luis Manzano dahil dalawang babae ang ipinagsisigawang like na like siya.
Una ay si Angel Locsin, ang dating GF, na sinasabing mahal pa rin siya. Ang ikalawa ay si Miss International na si Bea Rose Santiago na super crush siya.
Bigla tuloy nagkaroon ng Team Angel at Team Bea Rose sa kanyang Twitter account. Sinasabi ng fans na mag-isip-isip muna si Luis kung sino ang dapat niyang piliin sa dalawa na parehong sikat.
Ang maka-Bea ay nagsasabing ang beauty queen ang dapat na piliin ni Luis dahil bukod daw sa maganda at matalino ay hindi raw pabagu-bago ang isip at hindi raw salawahan.
Sundot naman ng Team Angel, mas nakakaÂkilig at bagay raw silang dalawa ng aktres.
Pahabol naman ng Team Bea ay ginagamit lang daw ni Angel ang aktor para sa promo ng bago nitong palabas na The Legal Wife sa ABS-CBN.
So, sino kaya ang pipiliin ni Luis? Sa huli niyang interview last year ay nag-promise siya na ang next daw niyang magiging GF ay sisiguruhin niyang “she’s the one na,†na pakakasalan niya.
Kakailanganin ba ni Luis ang advice ni Gov. Vilma Santos-Recto o ng amang si Edu Manzano, na in fairness sa kanyang mga magulang ay napalaki siyang mabuting anak?
Kaya naman kasi pinag-aagawan ay dahil talagang good catch si Luis. Bukod sa may magandang career, edukado, at maraming business, ay maliwanag din na magiging mabuting future governor kung sakali ang actor-TV host.
Elmo aprub na sa tatay ni Janine
Sobrang proud naman si Christopher “MonÂching†Gutierrez sa anak niyang si Janine Gutierrez sa series nitong Villa Quintana sa GMA 7. Tinuturuan daw niya itong maging professional at makisama sa kanyang mga katrabaho. Sinasabihan din niya itong matutong mag-ipon sa kanyang mga kinikita at huwag maging maluho sa gamit kundi ’yung mga talagang kailangan lang ang bilhin. Wish niya na mabigyan pa ang anak ng maraming projects para lalo pang mahasa ang akting nito.
Nangiti lang si Monching sa tanong kung boto siya kay Elmo Magalona na nali-link kay Janine. Aprub naman daw sa kanya ang binata.
- Latest