Simula pa lang ng trabaho nina Marian RiveÂra at Alden Richards sa Carmela ay tiniyak na ng aktres na trabaho lang at hanggang sa harap lang ng camera ang kanilang tambalan.
‘‘Pareho lang kami ni Dingdong (Dantes),’’ pagdidiin ni Marian. ‘‘Kahit sino ang maging partÂner sa TV show o sa pelikula, hanggang trabaho lang talaga. Kaya laging walang pressure at maganda palaÂgi ang relasyon sa set na libre sa stress o anumang intriga.’’
Malinaw ang pahayag ni Marian kaya kapag nagtagal na ang teledrama, sana huwag ng magtangkang bigyan ng ibang kulay o malisya ang bagong partnership. Iwasan na ang mga love angle o gimmick, bulok na style na ’yan.
Aktor tinotoo ang ka-love team, nasaktan lang nang bastedin!
Merong isang sikat na aktor, nag-ilusyon na mahal talaga siya ng kaparehang aktres sa TV series. Bigay na bigay kasi sila, lalo na sa mga love scene.
Tinuloy niya ang script ng camera at nagtangkang totohanin ang make-believe romance. Labis na nasaktan ang pogi nang ma-basted siya ng katambal sa show!
Paboritong gatas ni Vilma kulang sa impormasyon
Madalas na naman ipalabas sa TV ang anunsiyo ni Vilma Santos tungkol sa isang powdered milk. Kaya lang hindi sinasabi kung ito ay whole milk o filled milk. Ang whole milk ay alam nating gawa ng tunay at purong gatas (ng baka o kambing o ano pang hayop). Ang filled milk na naman ay mula sa non-dairy product, ayon sa mga doctor at nutritioÂnist.
Sa mga actual fact ay alam agad na inferior ang quality ng filled sa whole milk kung tungkol sa mga sustansiya at bitaminang dulot ng dalawang produkto ang pag-uusapan.
Ang mga endorsed na milk products nina Kris Aquino at Judy Ann Santos, pawang mga whole powdered milk. At least merong truth in advertising. Husto ang mga nutritional value na makukuha ng inyong mga anak at mga bata.
Sana ganoon din ang produktong nirerekomenda ni Vilma.
Aktres tsinugi ng kumpanya nang malamang ’di ginagamit ang iniendorsong detergent powder
Minsan nga isang sikat na aktres ang nag-endorse ng isang detergent powder. Kumalat sa media na hindi niya ginagamit ang produktong kanyang inaanunsiyo.
Agad siyang pinalitan ng ibang artista at hindi na napanood sa TV ang kanyang dating commercial.
Dr. Love tinapatan ng beteranong DJ
Tinapatan na ni Long Tall Howard, veteran DJ on DZBB ang show ni Dr. Love (Bro. Jun Banaag sa DWWW) na pawang mga pop classics ang pinatutugtog.
Matagal na naming kilala si Howard, kahit noong nagsisimula pa lang siya with Vic Salta sa DZMB, with the late Lito Balquiedra, Jr. (LBJ) as station manager. Alam ni Long Tall Howard ang pulso ng mga listener, kaya’t tiyak na magtatagal muli ang kanyang radio show. Good luck, Howard!
Please, huwag mo na kaming padalhan ng crab sandwich from the restaurant of your wife, Mrs. Howard, along the street opposite St. Mary’s College.
Bianca malabo sa misyon sa TV5
Isang show lang ang nilagdaang contract ni Bianca King with TV5, ang Obsession, habang naghihintay siyang ma-renew ang kanyang new contract with GMA 7.
Ang misyon ni Bianca, palawakin ang viewership ng Kapatid Network through her new once-a-week teledrama. Mukhang mahirap gawin ito, lalo na kung isang palabas lang ang iyong pamato.
Kung si Willie Revillame ay nabigo sa kanyang daily noontime show (except Sunday), pati na sina Sharon Cuneta, Aga Muhlach, at iba pa. Ngayon, Ogie Alcasid and Michael V./Bitoy are working very hard to capture higher rating. Sana magtagumpay sila, kasama si Bianca.
Mumbai Love pinutulan ng 50 minutes
Nag-text si Emy Abuan, publicist ng Mumbai Love, upang sabihin na pinutulan ng 50 minutes ang Mumbai Love na napanood namin sa premiere night!
Mabuti naman at hindi mababagot ang moviegoers sa panonood nito. Sana alam ng editor ang mga parteng dapat tanggalin, at na-preserve pa rin ang simÂpleng istorya.