^

Pang Movies

Alden umaming nagtaas na ang tf

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Masayang-masaya si Alden Richards sa grand launch ng bago niyang drama series, ang Carmela (Ang Pinakamagandang Babae Sa Mundong Ibabaw) at hindi niya ikinaila sa na­ngu­ngulit na entertainment press, na tu­maas nga ang talent fee niya sa bagong pro­yekto. Pero ang ayaw niyang tangga­pin ay ang ibinibigay na title sa kanya as Primetime Prince dahil katuwiran nila, napatunayan na niya ito sa mataas na ratings na natanggap ng dalawa niyang primetime soaps na One True Love at Mundo Mo’y Akin.

Wala pa raw siya sa kalingkingan ng mga naunang male artists ng GMA Network, tama na raw sa kanya na natupad ang wish niyang makatambal si Marian Rivera. Nagpapasalamat din siya kay Ma­rian dahil tinanggap nito na makatambal siya. Nang ipalabas na nga raw ang mga teaser at trailer ng soap, bumuhos daw ang comments sa kanyang Twitter na may chemistry sila ni Marian. Nakakataba raw iyon ng puso at muli, inialay niya sa kanyang yumaong ina ang mga tagumpay na natatanggap niya. 

Nagpasalamat din siya sa kanyang Kuya Dingdong (Dantes) dahil sa suporta nito sa kanya. Kaya ang pangako niya, lalo niyang pagbubutihin ang pag-arte niya dahil ayaw niyang mapahiya sa mga taong ibinigay ang tiwala sa kanya, mula sa GMA Network at sa writer na si Suzette Doctolero, Direk Dominic Zapata sa buong production staff ng Carmela.

Leo may nakatagong dahilan kaya gustong umabot sa demandahan ang disgusto sa MMDA?!

Nag-file ng Temporary Restraining Order (TRO) si Leo Martinez, Director General ng Film Academy of the Philippines (FAP) laban sa executive committee (execom) ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na pinangu­ngu­nahan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino. Ayaw nilang ipabigay sa MMFF ang amusement tax na nakuha sa 14-day run ng MMFF from Dec. 25 to Jan. 7, hanggang hindi raw naipaliliwanag kung saan napunta ang may P 87 million na dapat ay natanggap ng beneficiaries since 2002 to 2009.

Pero nagbigay ng kanilang suporta sa MMFF execom ang mga taga-industriya dahil naniniwala silang maayos nila itong napapamahalaan: Ms. Marichu Maceda, chairman of the board, Movie Workers Welfare Fund (MOWELFUND); Orly Ilacad, president, Philippine Motion Pictures Producers Association (PMPPA); Wilson Tieng, president, Motion Producers and Distributors Association of the Philippines (MPDAP); Leonardo Monteverde, chairman, Motion Picture Anti-Film Piracy Council (MPAFPC); Ronnie Ri­cketts, chairman, Optical Media Board (OMB); at Rolando Duenas, VP external, National Cinema Association of the Philippines (NCAP).

Pero nagsimulang hawakan ni Chairman Tolentino ang MMFF noong 2010, kaya ang hinahanap na report ni Leo Martinez ay hinawakan pa ng ibang chairman ng panahong iyon. Totoo kayang may ibang dahilan kung bakit mapilit si Mr. Martinez na umabot pa sa demandahan, kahit nagpaliwanag na sa kanya at sa mga taga-industriya si Chairman Tolentino? 

May nagsasabi tuloy na sana ay asikasuhin na lamang niya ang Film Aca­demy of the Philippines para bumalik ang glory nito noong hawak pa ng yumaong si Rudy Fernandez.

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG PINAKAMAGANDANG BABAE SA MUNDONG IBABAW

CARMELA

CHAIRMAN TOLENTINO

LEO MARTINEZ

NIYA

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with