Puwede palang i-premiere night ang isang pelikula, tulad ng Mumbai Love, na hindi man lang na-edit at kasali pang lahat ang mga tagpong hindi naman kailangan. Ang hinala ng mga nakapanood, nagkagalit ang direktor na si Benito Francisco at ang kanyang film editor, kaya sobrang haba ng kanyang obra at maraming eksenang dapat putulin!
Mahigit tatlong oras ang running time ng Mumbai Love, na bida sina Solenn Heusaff at ang Indian actor na si Kiko Matos. Buti na lang mahusay umarte si Kiko. Natural ang kanyang kilos at higit siyang mahusay mag-Tagalog kay Solenn.
Kung si Kiko ay ibababad din sa TV at bibigyan ng tamang buildup, tatanghalin din siyang favorite leading man tulad ng mga artista sa mga TV network.
Okay naman si Solenn as a Pinay/Pranses mestisa, na ulilang lubos at pinalaki ng beking kapatid ng kanyang ina sa istorya, played by Jayson Gaiza. Isang full-length ‘‘mother’’ role ang papel ng komedyante at nakabestida siya sa buong movie bilang in demand na manikurista at Mama Nika ni Ella (Solenn).
Bagay naman ang role ni Raymond BagatÂsing bilang hari ng mga 5/6 o loan shark. Siya ang nagpautang kay Mama Nika upang mag-expand ng negosyo at magtayo ng isang parlor.
Sa Mumbai Love, ipinakita pa kung paano nakakatulong ang 5-6 sa mga tao. Baka ang ibang financier ng pelikula 5-6 ang negosyo!
Ang matabang young actor na introducing sa Mumbai Love, si Romy Daryani madalas mag-overacting. Siguradong anak siya ng isang producer, kaya todo pasa ang director.
Isang nagpahaba ng movie ay ang pamamasyal nina Nandi (Kiko) at Ella (Solenn) sa Metro Manila, sakay ng scooter. Ni wala silang suot na helmet na mahigpit na ipinagbabawal ngayon.
Meron ding parte na sa Mumbai sila naglibot, pero hindi gaanong nakita ang mga tourist attraction doon. Sa dalawang love birds kasi naka-sentro.
Simple lang ang istorya ng Mumbai Love at lahat makaka-relate sa movie.
Tinalakay ng Mumbai Love ang arranged marriage na pinipilit ng parents.
AiAi negotiable na uling magmahal
Puwede nang umibig at magpakasal uli si AiAi delas Alas. Granted na ang kanyang divorce from Jed Salang, ng isang Las Vegas court.
Buong ningning na naka-announce ito sa Internet kaya para sa mga may tangkang ligawan ang komedÂyanang crayola queen, she is now negotiable.
Ang tanong ng mga baklesh, magkano naman kaya ang naging settlement para madaling maayos ang usaÂpin? Sino ba ang kumita, si Jed o AiAi?
Sa showbiz, may mga pusong mahirap mag-move on. Meron din naman na madaling bumangon at agad nakakakita ng bagong mamahalin.
Well, kung maraming pera, magmahal nang magmahal. Okay lang kung can afford ka at tuloy pa ang malakas na kita.
Bernardo Bernardo qualified maging National Artist
Kung 44 years nang aktor sa stage, TV, at film si Bernardo Bernardo, tiyak na lampas na ang kanyang edad na maging senior citizen.
Napamahal sa masa si BB bilang beki at pakialamerang officemate ni Mang Dolphy sa Home Along Da Riles. Una siyang naÂging best actor awardee bilang isang baklesh sa City After Dark, directed by the late National Artist Ishamael Bernal.
Sa maraming achievements ni Bernie as actor and director, qualified na siyang mahirang na National Artist for the legitimate stage. Graduate ng journalism sa U.S.T. at nagtapos ng masters degÂree in drama sa University of California, ang kanyang mga pagtatanghal sa U.S. ay nagwagi ng maraming awards from the L.A. Critics Circle, na nagbigay sa kanya ng best actor, best director, at best choreographer awards!
Pakiramdam niya, he is being reborn kapag gumaganap sa isang bagong role.
DiCaprio hindi pa nakakasiguro
sa Oscars
Kasaling muli sa five best actor nominees sa Oscar Awards si Leonardo DiCaprio for The Wolf of Wall Street, where he is directed by Martin Scorsese.
Mahuhusay ang mga kalaban niya kaya’t hindi pa rin siguÂrado kung siya ang mag-uuwi ng trophy this year.