^

Pang Movies

Solenn at Kiko may sablay sa comic timing

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Kakabugin nina Solenn Heussaff at Kiko Matos ang ibang naglipanang young love teams dahil cute na lumabas ang romantic pair nila sa Mumbai Love, ang indie film ng interracial love story ng isang half-Pinay at isang purong Bumbay (ang tawag sa kanila dito sa atin). Ginanap ang masayang premiere night nung Huwebes ng gabi sa SM Megamall.

Ginagampanan ni Solenn ang karakter ni Ella, isang tisay na ang ama ay French at naging scholar sa college sa France. Mabuti na lang at inilapit talaga sa totoong buhay niya ang istorya dahil kung hindi ay mahihirapang ipaliwanag sa pelikula kung bakit baluktot pa ang dila niya sa Tagalog. Eh lumaki naman siya sa piling ng bakla niyang Pinoy na tito (Jayson Gainza) nang maulila nung bata pa dahil sa car accident.

Si Kiko naman bilang si Nandi ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas kaya kahit purong Bumbay, na nagbalik sa Mumbai, India nung malaki na, ay matatas sa Tagalog. Pero siyempre sa istorya lang ‘yun dahil Pilipino talaga si Kiko, kahit mukhang Bumbay.

Kaya nung mag-krus ang landas nila ni Ella, na na-assign sa Mumbai dahil sa kanyang trabaho, ay mas napabilis ang kanilang rapport sa isa’t isa. Alam naman nating lahat na mahirap kalabanin ang language barrier. Ang solusyon ay dapat marunong mag-Ingles man lang pareho para magkaintindihan. Sa Mumbai Love, ginamit ang apat na lengguwahe pero gumamit din ng English caption.

Nakakatuwa na ang ganda ng chemistry nina Kiko at Solenn. Ang aktres ang mas kilala natin pero sa pelikulang ito ay mas marami yatang magkakainteres kilalanin ang kanyang baguhang leading man. Tama nga ang pagkakapili kay Kiko sa audition dahil swak talaga siya.

Katulad ng ibang mixed couples, ang pinaka-problema lang talaga sa umpisa ay ang pagkakaiba ng kultura. Ang bansang India ay traditional pa rin at umiiral pa ang arranged marriages sa kanila hanggang ngayon. Si Nandi ay ipinagkasundo na sa iba ng kanyang mga magulang pero mas gusto niyang sundin ang kanyang puso hindi pa man umeeksena si Ella.

Wala namang ibang problemang ipinakita sa parte ni Ella maliban sa iisang conflict niya — nung hindi siya maipakilala sa parents ni Nandi at kailangan pa siyang isnabin ng dyowa. Siguro dahil moderno na siya at eccentric naman ang kanyang kinalakihang Mama Nika (Jayson).

Ang gandang tingnan ng mga bida sa kanilang makukulay na damit. Iba talaga ang may touch ng kulturang Pinoy dahil naba-balance na ang kuwento at ang istilo ng produksiyon. Kung mapapanood n’yo kasi ang karaniwang Bollywood film ay baka mabato o makornihan lang kayo sa song and dance number nila. Pero sa Mumbai Love, nakakaaliw!

Masaya at nakakakilig ang maraming eksena nina Ella at Nandi. Kahit nga sina Mama Nika at Rashid (Raymond Bagatsing) ay naging cute rin sa kanilang silent love affair.

Magulo naman ang karakter ni Martin Escudero bilang Marco dahil hindi malaman kung bading siya talaga o may tama lang sa utak dahil na-obsess siya kay Ella kaya nag-feeling girl. Nung una ay iisipin pa na may nakatago siyang pagmamahal sa dalagang katrabaho niya kaya siya concerned at may selos factor kay Nandi. Mali pala.

Mas maayos pa ang karakter ng gumanap na Indian cousin ni Nandi, si Romni (Romy Daryani). Totoong Indian o Bumbay si Romy at nakapagbigay talaga siya ng appeal sa pagiging sidekick sa kanyang Kuya Nandi.

Pero kahit rom-com ang Mumbai Love ay may masasabi ring sablay minsan sa comic timing dahil nga sa Indian film din ito. 

Pero magiging proud tayo kapag naipalabas ang pelikula nina Benito Bautista (Filipino director) at Neil Jeswani (Indian producer) sa India at sa iba pang bansa sa Asya dahil magandang imahe ang ipinakita rito sa Pilipinas. Halimbawa, imbes na slums ang makita ay bukirin ang ipinalit. Malamig na sa mata.

***

May ipare-rebyu? E-maii: [email protected]

 

BENITO BAUTISTA

BUMBAY

DAHIL

ELLA

JAYSON GAINZA

KIKO

MAMA NIKA

MUMBAI LOVE

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with