‘Umaasa akong mabibigyan ng special visa ng Israel government,’’ pahayag mismo ng first The X Factor Israel na si Rose Fostanes. Pambihira naman kasi ang kaso ng Pinay caregiver na nagwagi sa isang nationwide talent search sa nasabing bansa, kaya hindi siya mahihirapang makakuha ng kailangang permit, upang makapagtanghal sa iba’t ibang panig sa Israel.
Tutulungan din siya ng Today TV network, ang nagpalabas ng X Factor Israel, dahil kailangan niyang mag-perform sa TV, sa mga mall, at iba pang venue para ma-promote nang husto ang second season ng X Factor Israel.
Sa ngayon ay maraming gustong mapanood si Rose sa mga live show. Lahat sila tatangkilikin ang kanyang mga palabas, tulad nang ginawang suporta sa pagpapadala ng text votes upang magwagi ang Pinay caregiver/singer.
Sa ngayon, priority din ni Rose ang makauwi sa bansa, makapiling ang kanyang mga kamag-anak at kaibigang sumuporta sa kanya. Sa Pilipinas, sumali siyang mag-topbill ng isang live concert, na tiyak na dudumugin ng fans.
TV host-actor inangkin na ang hiniram na photo ng foreign actor na bakat ang bukol
Nang makita ng isang popular actor/TV host ang isang 8’’ x 10†photo ng poging foreign actor na naka-brief lang, ayaw nang bitiwan. Nakatitig siya sa malaking bukol at naaninag sa harapan ng artista.
Talagang hindi na binitawan at ang sabi’y hihiramin niya for just one day para makapag-reproduce ng sarili niyang kopya. Pumayag naman ako pero matagal na ’yon at hanggang ngayon hindi na isinoli ang sexy photo. Tiyak madalas patungkulan ng closetang actor ang picture, kapag siya’y nagsaÂsariling sikap!
Alden walang gastos sa charity event, instant publicity pa
Kapag ang isang artista ay nagbigay ng party para sa mga needy children o para sa mga orphan, na may TV at photo coverage, ibig sabihin palabas lang ito para ma-build up ang kanyang image.
Kung bukal sa loob ang pagtulong at pagtangkilik sa mahihirap na tsikiting dapat tahimik lang at hindi na ipapalabas sa TV o mababasa sa mga diyaryo!
Tulad nang ginawa ni Alden Richards na pagdiriwang with needy children, sa kanyang tahanan. Kumpleto ang coverage, kaya nabasa pati sa mga broadsheet at tabloid, at ipinalabas sa kanyang home network!
Obvious naman ang intensiyon, bukod sa hangarin daw na makatulong!
Sponsored ang mga pagkain para sa orphans, pati giveaways at ang GMA mismo ang nag-ayos ng ‘‘charity’’ event for their contract artist! Mukhang walang gastos si Richards na nakinabang pa sa positive publicity.
Starlet kopya lang sa iba ang ginawang listahan ng pagpapaganda
Isang starlet ang nagÂlabas ng ‘‘sarili’’ niyang lisÂtahan na dapat gawin upang mapanatili ang kaÂgandahan. Kaya lang, dati nang ginagawa ang kanyang mga suggestion ng mga kapwa artistang magaganda.
Pawang standard rules na ang tinawag niyang sariling list at malinaw na ginagaya niya lang sa iba! ’Yun namang mga original ang i-chika mo sa amin, iha.
Sharon naghahanda sa malaking 35th year
Naghahanda na si Sharon Cuneta para sa kanyang 35th anniversary live concert this 2014. Gusto niyang maging memorable ang show na tatampukan ng mga artistang naging bahagi ng kanyang successful career sa pelikula, TV, at sa live coverage.
Kahit abala sa dalawang TV shows, gusto niyang magkaroon ng sapat na panahon for her 35th anniversary live concert.
Playlist ni Lea ngayong gabi ang repeat
Para sa hindi pa nakapanood ng Playlist live concert ni Lea Salonga with Rachelle Ann Go at Mitoy Yonting sa Plenary Hall ng PICC (Philippine International Convention Center), may repeat ang show this evening at the same venue.
Available pa ang tickets for Playlist. After this magiging busy na si Lea sa kanyang TV commitments at forthcoming live shows abroad.