Ayon kay Kim Chiu sa kanyang panayam sa KrisTV, tanggap naman niya na hindi bagay sa kanya ang Dyesebel. Isa kasi sa mga lumutang ang name niya na siyang gaganap for the role before the announcement na si Anne Curtis ang napili.
Say pa ni Kim, baka raw puro pangba-bash lang mula sa fans ang kanyang matanggap kaya huwag na lang daw.
“Magiging komedyante na lang ako,†she said sabay promote ng Bride for Rent na nag-showing na sa mga sinehan since Wednesday at balitang naka-P20 M on its first day.
Napanood namin ang premiere night ng movie at marami ngang parteng nakakatawa si Kim. Pero marami ring scenes na kapansin-pansing para siyang si Toni Gonzaga kaya we wonder kung ang TV host/actress ba ang kanyang peg dito.
We also wonder kung hinuhubog ba si Kim ng ABS-CBN to be another Toni G. especially now na nagma-mature na ang TV host and sooner or later ay mag-aasawa na rin.
AiAi maligayang nakawala na sa kasal nila ni Jed
Marami ang natuwa para kay Concert Comedy Queen AiAi delas Alas na tapos na finally ang kasal niya sa dating asawang si Jed Salang. Alam naming ito ang matagal nang hinihintay ng komedyana para matuldukan na talaga nang bonggang-bongga ang anumang nakaraan nila ng ex-partner.
Maging si AiAi ay hindi talaga napigilang ipahayag ang kanyang kasiyahan sa kanyang Instagram account dahil nag-post siya agad ng announcement right after na malaman niya ang desisyon.
“Divorce decree now issued. I just check the LV (Las Vegas) court website,†ang nakalagay sa video ni AiAi sa Instagram na may caption na “100% single†at sa larawan nito ay makikita siyang masaya pang tumatalon na parang sinasabing “Yipee!â€
In fairness sa aktres, ang ganda ng pasok ng 2014 sa kanya. Kung last year ay mabigat ang dinaanan niyang pagsubok sa personal life partikular na nga ang nangyari sa kanila ng dating asawa at ang pagyao ng kanyang biological mother, this year naman ay kasisimula pa lang ng 2014 ay sunud-sunod na ang magagandang pangyayari sa kanyang buhay.
Una ay ang bagong teleserye niya which is Dyesebel kung saan ay gagampanan niya ang role na Banak (ina ni Dyesebel sa tubig) at pangalawa ay ito ngang decision ng korte.
Pero gaano man kabigat ang problema ni AiAi, kahanga-hanga rin na nakaya niya itong i-handle nang maayos kaya kudos talaga sa Concert Comedy Queen!
Gerald rollercoaster ang buhay nung isang taon
Excited si Gerald Anderson to play leading man to Anne Curtis sa fantaseryeng Dyesebel. GaÂgampanan niya ang famous role na Fredo na as we all know ay ang lalaking minahal ni Dyesebel.
Ayon kay Gerald, excited and kabado siya at the same time lalo pa nga’t first time niyang makakasama sina Anne and Sam Milby. Biro nga niya, kinakabahan siya dahil sinabihan sila na kailangan silang may abs dito.
Huling teleserye ni Gerald ay ang Bukas na Lang Kita Mamahalin na nagtapos noong Nobyembre 2013. Ang nakaraang taon na dumaan ay napakasuwerte sa kanya when it comes to his career.
“Marami ring ups and downs last year. Parang rollercoaster ride. Ang dami ring blessings at the same time. Nakapag-Cannes (International Film) Festival po ako dahil sa OTJ.