Aktor nagpapanggap na matalino sa mga interview

MANILA, Philippines - Napapansin na  ng ilang press ang ka-weird-uhan ng isang aktor sa mga topics na gustong pag-usapan sa interview. Wala kasing kinalaman sa showbiz ang gustong tumbukin ng aktor kaya na-turn off ang press na kumakausap sa kanya.

Eh, mabuti sana kung kilalang intelihente ang aktor eh feeling ng press, nagmamarunong lang naman siya.  Wala rin kasing interesanteng subject sa aktor ngayon dahil nabigyan man siya ng magandang breaks sa network na nilipatan, nanatili pa rin siyang bobitsky (bobo), huh!

Napaglipasan na rin naman siya ng kabataan kaya ‘yung sex appeal niya sa unang sabak sa showbiz ay lipas na! Kaya naman ngayon, pinagdududahan na ang gender ng aktor na mula nang magkaroon ng girlfriend ay hindi na nasundan, huh!

Kristoffer magpapa-sexy na

Tigang man sa babae ngayon si Kristoffer Martin, buhos naman agad ang trabaho niya sa 2014. Ginawa na namang bida ang young actor sa Paraiso Ko’y Ikaw ng GMA matapos ang Kahit Nasaan Ka Man nila ni Julie Ann San Jose.

Itinuturo nga na si Julie Anne ang dahilan ng break up nila ng girlfriend na si Joyce Ching. Although naging malapit si Kristoffer sa singer-actress nu’ng ginagawa ang soap, walang relasyon na nabuo habang magkasama sila sa trabaho.

“Hindi siya issue na papunta roon. Seryoso ako. Hindi si Julie Anne ang dahilan ng break up namin ni Joyce!” rason ni Kristoffer nang makausap ng press sa pictorial.

Sa bagong series, huhubaran na si Kristoffer. Dagat kasi ang lokasyon nila ng series na ididirek ni Joyce Bernal. Kaya naman kailangan niyang mag-gym, swimming at diet upang hindi siya malait-lait sa paghuhubad niya.

“Sexy lang naman daw ako kahit walang abs! Ha! Ha! Ha!” tugon ng young actor.

Baka naman ma-in love sa kanya ang kapareha na si Kim Rodriguez na kinikilig daw sa kanya.

“Hindi naman! Nagkapareha lang kami. Maski nu’ng Eliana, gina-guide ko siya!” sagot niya.

Eh dahil nasa cast din ang ex-girlfriend, aminado si Kristoffer na nailang siya nu’ng una.

“Pero ang bilis nawala eh. Nag-usap kasi kami eh. Parang usap magkaibigan. Casual. Pero hindi naman kami nagpaplastikan for the sake of the soap! ‘Yun ang maganda sa aming dalawa.                                                                   

Show comments