Dahil sa malaÂking tagumpay ng pelikulang My Little Bossings, marami ang nagtatanong kung magtutuluy-tuloy na ba ang pag-aartista ni James “Bimby†Aquino Yap.
Pero ayon kay Kris, mananatili raw na pag-aaral ang priority ng bunsong anak.
“Apart from school being his priority, siguro I value naman the fact na may isang salita ako at ipinangako ko kay Vic Sotto na kung ano man ang gagawin ni Bimby, utang na loob namin sa kanya, kay Mr. Tuviera at kay Orly Ilacad na they get a first glimpse. Kung ano ang gusto nilang gawin, sinabi ko buo ang tiwala ko sa kanila,†pahayag ni Kris.
Kaya kung magkakaroon daw ng programa si Bimby, same people pa rin daw ang makakasama nito which means ang grupo pa rin ni Vic.
“Kung gagawa man siya ng isa pang pelikula, it will be based on sa pag-uusap namin. Pero as of now it’s really school,†say pa ni Kris.
Samantala, ngayong nakapag-renew na ang Queen of All Media ng network contract ay marami raw aabangan sa kanya bilang Kapamilya.
“Maraming nabago at nadagdag. There will be an online show that can be accessed on ABS-CBN mobile,†Kris revealed.
Idinagdag din niyang kasama na siya sa Kapamilya caravan sa mga shows abroad at ang una na nga ay ang show ng ASAP sa Dubai next week.
Siyempre, patuloy pa rin ang Kris RealiTV niya at mas marami pa raw pagbabagong magaganap sa show.
Robin hindi sumusunod sa yapak nina Pops at Martin
In fairness sa anak ni Martin Nievera and Pops FerÂnandez na si Robin Nievera, may sarili siyang career at ayaw niyang masabing sumusunod lang sa musika ng magulang.
Humarap si Robin sa press para sa kanyang concert sa The Crowd Bar and Restaurant sa 2nd floor ng Madison Square, Pioneer St. Mandaluyong City dahil ngayong gabi, January 16 ay magkakaroon siya ng concert.
Sinabi ni Robin na magkaibang-magkaiba ang tipo ng awitin nilang mag-ama. Kung ballad si Martin, siya naman ay rock. Pero kung pakikinggan mo silang magsalita, halos pareho ang kanilang speaking voice.
Pero aminado si Robin, hindi raw niya kaya ang mataas at birit na kanta ng kanyang ama.
Anyway, may mga regular performers din ang The Crowd tulad ng Jeremiah (every Thursday), Laarni Lozada and Richard Villanueva (every Friday).
Ang The Crowd ay pagmamay-ari ng concert at indie movie produ na si Cora Rodrigo ng Goldmine Production katuwang sina Pia Espedio, Zaldy Carpeso, Cris Roxas, at Gene Sison.
Show nina Derek at ALice finale na
Ngayong gabi na ang finale ng For Love or Money sa TV5 na pinagbibidahan nina Derek Ramsay, Alice Dixson and Ritz Azul at inaabaÂngan talaga ng mga tagasubaybay nito kung ano ba ang magiging ending nito.
One of the highlights ng finale ay ang pamimili ni Edward (Derek) between his wife Roselle (Ritz) and Kristine (Alice).
Masakit man ay magdedesisyon na si Edward kung sino ba talaga ang kanyang gustong makasama for the rest of his life kahit na nga ba mahal niya pareho ang dalawang babae.
Pangalawang highlight, ang sabay na panganganak nina Kristine and Roselle sa pareho ring hospital. Parehong malalagay sa peligro ang buhay nila at isang baby lang ang makaka-survive.
May aalis for good at may ikakasal.
Sa pagtatapos ng FLOM ay nagpapasalamat ang buong cast sa 14 weeks na pagsubabaybay sa kanila ng televiewers.