^

Pang Movies

Direktor na laos na ang style, sinibak sa pelikula

Jun Nardo - Pang-masa

Sinibak na pala nang tuluyan ang direktor ng isang movie mula sa major production. Umalma na kasi ang dalawa sa artista ng pelikula dahil sa napansin nila ang kapalpakan ng director sa trabaho!

Kinausap naman ng isang executive ng production ang director bago sinabi ang desisyon ng higher management. Aware nga raw ang director sa sasabihin ng executive kaya hindi na nahirapan ang huli na iparating ang desisyon ng management.

Humalili na ang isa ring drama director pero wala pa raw desisyon ang bosses kung papalitan ang movie title.

Kung sa ibang produksiyon ay naging spoiled dati ang director, hindi na umubra ang eccentricities niya lalo na’t iba na ang labanan ngayon sa paggawa ng pelikula.

ER palaban pa rin sa festival, pangako kay Erap at FPJ ayaw suwayin

Lalaban pa rin sa Metro Manila Film Festival (MMFF) si Gov. ER Ejercito. Hindi balakid ‘yung isang panalo lang ang nakuhang award ng entry niyang Shoot to Kill: Boy Golden.

Nakatatak pa rin kasi sa utak at puso ng Laguna governor ang pangako sa tiyuhin na Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada at yumaong The King na si Fernando Poe, Jr. na hindi iiwan ang industriya kahit na nga inari na rin siya ng pulitika.

May project nang nakatakdang gawin ang gobernador. Pero bago niya simulan ’yon ay aasikasuhin muna niya ang 2014 Palarong Pambansa na gagawin this May sa Laguna. First time mang­yayari ‘yon sa lalawigan niyang pinamumunuan kaya naman gusto niyang maging memorable ito at matagumpay.

Isa sa mga singer ng Jeremiah cancer survivor, tuloy ang gig

Dinapuan pala ng Stage 4 cancer ang isa sa male singers ng grupong Je­remiah. Ang nasabing boyband ang nagpasikat ng kanta na Nanghihinayang na pinumumuan nung simula ng young actor na si Simon Soler.

Nalampasan naman ng singer ang nasabing cancer kaya patuloy pa rin sila sa pagkanta. Isa sila sa mga main attraction tuwing Huwebes ng The Crowd Bar na nasa Madison Square along Pioneer St. sa Mandaluyong City.

Ang may-ari ng place ay si Cora Rodrigo ng Goldmine Productions kasama sina Pia Espedido, Zaldy Carpeso, Cris Roxas, at Gene Sison. Kaya naman pala nakapunta na sa The Crowd si Vice Ganda dahil si Cora ang siyang naging producer ng komedyante sa dalawang concerts nito sa Smart Araneta Coliseum, huh! Maging ang concert sa Big Dome ni Aiza Seguerra ay siya rin ang producer. Naging producer na rin siya ng indie movies na Pagari at Meztizo.

Ilan sa inaabangan sa The Crowd na magkakaroon ng special show ay si Joey Generoso ng Side A sa Jan. 15 at sa Jan. 16 naman si Robin Nievera na anak nina Martin Nievera at Pops Fernandez. Si Richard Villanueva ang entertainment head ng lugar kaya malakas ang hatak niya sa mga sikat na singer.

AIZA SEGUERRA

BIG DOME

BOY GOLDEN

CORA RODRIGO

CRIS ROXAS

CROWD BAR

ERAP

FERNANDO POE

GENE SISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with