MMDA ayaw magbigay ng opisyal na kita ng MMFF
Wala pang official announcement si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman and overall chairman ng 39th Metro Manila Film Festival (MMFF) Francis Tolentino ng exact fiÂgures ng bawat pelikulang kalahok pero nakausap ng publicist ng MMFF si Dominic Du, isa sa members ng executive committee at ayon sa kanya ay umabot sa P990 million ang total gross ng festival nang magtapos ito noong Jan. 7, pinakamalaking kinita sa mga nagdaang festival.
Nanatiling No. 1 ang My Little Bossings sa total gross. Ayon pa kay Mr. Du, ilang movies pa rin ang nagkaroon ng extension run at malakas pa rin daw ito sa box-office hanggang ngayon.
Kris ayaw nang pansinin si AIAI
Nagpaliwanag si Kris Aquino sa isang friend niya na nakausap namin tungkol sa sentimyento sa kanya ni AiAi delas Alas na hindi man daw lamang siya nagpadala ng text message to condole ang kanyang BFF (best friend foÂreÂver). Nang pumanaw daw kasi ang nanay ni AiAi, bumibiyahe sila ng mga anak na sina Joshua at Bimby Yap, Jr. for London, England last Dec. 29. Kaya Dec. 31 na siya nakapagpadala ng text kay AiAi.
Tungkol naman sa hindi pakikiramay ni P-Noy at mga kapatid niya, nasa Baguio raw ang pangulo at ang mga kapatid naman niya ay nasa Japan for their vacation. Kahit ang social secretary ng Malacañang na si Susan Reyes ay nasa abroad din. Wala ring pasok ang employees sa Malacañang kaya wala raw siyang mautusang magpadala man lamang ng flowers.
Hindi pa rin daw sila nagkakausap ni AiAi pero wala raw siyang magagawa kung ayaw siyang kausapin. Pero nagpapasalamat daw siya sa suporta ni AiAi sa pelikula nilang My Little Bossings nang mag-attend ito sa premiere night ng kanilang movie.
HK actor-director nakagawa na ng pelikula sa ’Pinas
Pumasok na rin pala sa pagri-release ng foreign movies ang APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera. Opening today, Jan. 15, in several theaters ang Special ID, a Chinese movie dubbed in English. Tampok dito ang Hong Kong action star and martial arts artist na si Donnie Yen.
Nagsimula siya sa movies as a double ng bida sa The Miracle Fighters in 1982. Bukod sa movies ay gumawa rin siya ng mga TV series as an actor at action director tulad ng Kung Fu Master and Fist of Fury. Nakapunta na siya sa Pilipinas nang gawin niya rito ang Asian Cop: High Voltage in 1995.
Sa Special ID directed by Clarence Fok, gagampanan ni Donnie ang role ni Zilong Chen.
- Latest