Ronnie dadalo sa imbitasyon ng US para sa free trade agreements

Umalis patungong Amerika noong Linggo si Ronnie Ricketts, chairman ng Optical Media Board (OMB), para sa isang mahalagang pakikipagpulong sa mga US government official at mga miyembro ng United States Trade Representative (USTR) sa isang official invitation ng US State Department upang talakayin ang Trans-Pacific Partnership free trade agreements matapos na makatanggap ang kanyang opisina ng commendations, recognitions, acknowledgments, and laudatory citations mula sa maraming institutions para sa matagumpay na kampanya upang protektahan and intellectual property rights sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Ang USTR ay isang opisina sa ilalim ng Office of the US President Barrack Obama at ito ay labis na ikinatuwa ni Chair Ricketts na tahasang nagsabing isang napakalaking karangalan na maanyayahang dumalo roon. ’Di pa natatagalan ang International Intellectual Property Alliance (IIPA) ay pinuri ang pamumuno niya dahil sa epektibong approach para matigil ang piracy sa ating bansa.

Noong nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013 ay pinatunayan ng actor-OMB head ang naumpisahan niyang Zero Piracy drive ng MMFF entries at magpapatuloy pa dahil nagbunga ang kanilang pagbabantay kahit pa sa Christmas holidays resulting once more sa zero piracy ng recent MMFF.

Kabilang sa mga kumilala sa ’di matatawarang kakayahan ng magaling na OMB chairman ang National Law Enforcement Coordinating Committee (NLECC) “for his active cooperation in the invaluable law enforcement programs, PARI (music industry) for his untiring anti-music piracy in raising public awareness.”

Ang Metro Manila Film Festival committee ay nagbigay din kay Chair Ricketts ng special recognition “for his extraordinary success in completely stopping piracy of the festival film entries for a couple of years.”

Binigyan din siya ng parangal ng ABS-CBN’s The Filipino Channel (TFC) para sa kanyang cooperation in launching TFC last year sa Singapore, Thailand, at USA kung saan ang slogan ng OMB na Bawal Kumopya has gained media mileage, at ng Department of Trade and Industry (DTI) bilang pagkilala sa kanyang “unwavering support with the Inter-Agency Committee under the Executive Order No. 1016 of the president of the Philippines.”

 

Show comments