Kylie magaling sa suntukan, Ricky Davao lolo na!

MANILA, Philippines - Mas nagalingan sa pagkilos kay Kylie Padilla si Direk Ricky Davao kesa sa mga lalaking kapareha niya sa series na Adarna.

“Lalo na nung nakita ko siyang sumuntok! Sabi ko, na-train ito ng tatay (Robin Padilla). Puwedeng manggulpi ng boyfriend. Hahaha!” pahayag ni Direk Ricky nang pasyalan ng press sa taping.

Natapangan din siya sa anak ni Robin sa mga eksenang nakabitin siya sa ere bilang babaing ibon.

“Wala, wala. Matapang. Enjoy siya. Wala siyang angal! Ang angal lang naman sa harness, masakit sa singit. Totoo lang at saka sa balakang. Pero ’yung balance at porma, ang galing! Para siyang Cirque de Soleil! Puwede siyang umikut-ikot,” hanga ni Ricky.

   Ano na ang balita sa paglabas ni Robin?

“’Yung kay Robin, he was supposed to be the father. Kaya lang because of… hindi, hindi sa ayaw niyang mamatay, because of his 10,000 Hours… hindi ko alam ’yung dahil mamamatay siya. Ang alam ko, hindi magkatugma sa schedules.

 â€œPero sayang kasi ang ganda niyan. May pakpak si Robin! Hopefully towards the end makasama si Robin. Siyempre gusto kong mag-guest si Robin. Robin is Robin! Best actor pa ngayon,” nakangiting pahayag ni Direk Ricky.

Sa totoo lang, kahit nagdidirek si Ricky ng Adarna, nagagawa pa rin niyang tumanggap ng acting job. Kagagaling lang daw niya sa taping ng Carmela bilang guest siya sa series ni Marian Rivera bilang ama niya.

Eh pagdating sa bagong love life, tawa lang ang tugon ni Ricky sa tanong. ’Yun nga lang, ibinalita niya sa press na lolo na siya dahil may anak na ang panganay nila ni Jackielou Blanco na si Kenneth.

Sarah hindi pa sinisibak sa bakuran ng GMA

Hindi balakid ang demandahang nangyari kina Annette Gozon-Abrogar, GMA Films president, at Sarah Lahbati upang masibak na bilang contract artist ng GMA Artist Center ang girlfriend ni Richard Gutierrez.

Sa press launch ng first quarter shows ng GMA, inihayag ni Gigi Santiago Lara na bibigyan pa rin nila ng trabaho si Sarah once nandito na siya sa bansa. Nang makausap namin si Tita Annabelle Rama, nabanggit din niyang tuloy pa rin si Sarah sa pagtatrabaho bilang contract star ng GMA kahit may demandahan sila ni Atty. Annette.

Eh si Atty. Annette, isang apology lang ’yan mula kay Sarah and then tapos na ang kuwento! Lawyer siya kaya siyempre mas gusto niyang maayos ang isyu sa kanila ni Sarah kesa kapwa sila dusa sa pagpunta nang umaga sa korte.     

 

Show comments