Mga bagong show ng GMA ginawang short film style ang teaser
Nag-improve ang mga style ng teaser ng GMA 7 sa kanilang mga bagong TV series sa pagpasok ng taon. Gumanda ang daÂting na parang short film na ang ipinapakita tuwing commercial break.
Ilan sa madalas ipakita ay ang Carmela nina Marian Rivera at Alden Richards, The Borrowed Wife nina Camille Prats, Rafael Rosell, at TJ Trinidad, at Rhodora X nina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, at Mark Herras.
Kung magaganda ang mga teaser, dapat lang na mas maganda pa kung totoong panonoorin na ang mga palabas kapag umeere na. Pangit ‘yung hanggang pantakam lang sila pero kapag palabas na ay palasak na pala ang mga istorya at baduy na ang mga karakter. Iiwanan din sila sa ere ng TV viewers.
SHOW NI JOJO KAILANGAN NG MGA SIKAT NA GUEST
Nakakatuwa na mabibigyan ng mas magandang puwesto si Jojo Alejar sa GMA sa paglipat ng kanyang minamahal na late-night show sa Channel 7.
Matagal na ring baby ni Jojo ang kanyang talk show na nagsimulang mapansin sa RJTV, ang Jojo A. All the Way! Umikot na siya sa GMA News TV at TV5 at ngayon ay balik-GMA na siya. At sa totoo lang ay nakaka-survive naman siya sa pagiging nicher. Hindi nga lang dumadami ang pera niya sa wallet.
Matalino at multi-talented, kayang-kaya ng TV host-actor na magdala ng talk show na bumabanat din sa current issues. Si Jojo lang talaga ang puwedeng ipang-tapat kina Jay Leno, David Letterman, Jimmy Kimmel, at Conan O’ Brien na pinaka-kahawig niya ng mannerism at buhok.
Siguro naman ay lalawak na ang mga celebrity guest na puwede niyang maimbitahan ngayong Kapuso na naman siya. At madadagdan na ang commercial load niya bukod sa suking kape at real estate company.
Jennylyn nae-enjoy ang pagluluto
Sa Kapuso pa rin, swak din ang naibigay na cooking show kay Jennylyn Mercado sa GMA News TV kahit na nakatali siya sa iisang brand ng mga processed food. Walang nag-akala na pagkatapos makapasang TV host ang aktres sa natsuging Showbiz Central talk show dati ay isang solo niyang cooking show naman ang ibinigay ng GMA management nung November 2013, ang Sarap with Family. Nauna na rin siyang nag-host ng Anak Ko ‘Yan sa GMA.
Sa show niya naipapakita na hindi lang siya marunong makipagtsikahan kundi nakakaluto rin siya ng mga imbentong putahe na mabilis ihanda gamit ang ready-made ingredients tulad ng tocino, cheesedog, ham, bacon, burger, atbp. At kita namang nae-enjoy niya talaga ang ginagawa sa makipot na kusina.
Kaya lang ay parang wala siyang malaking star na naiimbita. Karamihan ay starlet lang at child stars. Hindi yata kaya ng budget ng ineendorso niyang processed meat products.
May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]
- Latest