^

Pang Movies

Gretchen gustong pabusalan ng kampo ni Claudine

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Pangalawang beses nang hindi sumisipot si Claudine Barretto ng hearing ng isinampa niyang kaso laban sa kanyang asawang si Raymart Santiago. Pero sa pagkakataong iyon, sumipot ang kanyang abogadong si Ferdinand Topacio, na hindi na masyadong masalita dahil daw sa gag order at sa kaso sigurong contempt na isinampa naman ng kampo ni Raymart laban sa kanila. Pero mas maliwanag na ang kanyang sinasabi ngayon na open si Claudine para sa isang settlement.

Sa simula pa ay iyon naman ang nakikitang punto sa kaso nila, ang magkaroon ng settlement dahil ang talaga namang reklamo ni Claudine ay hindi sila regular na napapadalhan ng sustento ni Raymart, at sinasabi pa nga niya na pati ang pangakong van para magamit niya at ng kanyang mga anak ay hindi tinupad ng dating mister. Iyong maraming iba pang akusasyon, natural na lang iyon para palakasin ang kaso, at para makakuha nga ng permanent protection order, dahil kung pagbabawalan nga naman si Raymart na makita ang kanyang mga anak ay mas malaking leverage iyon para sa isang settlement.

Natural pipilitin ng tatay na makita ang kanyang tunay na anak, lalo pa nga at lalaki iyon. Papayag siya sa anumang kondisyon pagdating ng araw. Kaso humingi rin naman si Raymart ng custody ng kanyang mga anak, at nagharap rin ng ilang dahilan kung bakit naniniwala siyang sa kanya na dapat mapunta ang mga bata.

Nagkaroon na rin ng pagpapalit ng tono. Kung noong una ay hinihiling lamang nila sa korte na i-recall si Gretchen Barretto na tumestigo laban kay Claudine, at nangako rin namang nakahanda siyang tumestigo pa kung kinakailangan para lumabas ang katotohanan, ngayon ang sinasabi nila ay naghahanda si Claudine at ang mga magulang nila na magsampa ng demanda laban kay Gretchen dahil sa mga sinabi niya sa korte at sa media laban sa kanila. Hindi na isang cross examination ang gusto nila kung hindi para sampahan na rin si Gretchen ng demanda at siguro makahingi rin ng gag order para huwag na rin iyong magkapagsalita pa.

Mga producer ng pelikulang relihiyoso sinehan ang sinisisi

Sinisisi ng ilang producers at direktor na naalisan ng sinehan sa nakaraang film festival ang mga tao dahil hindi pa man daw nakaka-isang linggo ay inalisan na sila ng sinehan. Iyong isang sinehan na nagsimula raw sa 45 sinehan, natapos na mahigit sampu na lamang ang nilalabasan. Sabi ng isang gay director, dapat daw pabayaan naman kahit na isang linggo man lang.

Pero ibig bang sabihin noon ay isang linggo namang magpapalugi ang mga sinehan kung wala naman talagang pag-asang kumita ang kanilang pelikula? Wala silang nakuha kahit na isang award. Masasama rin naman ang mga lehitimong review tungkol sa kanilang pelikula. Maliwanag ding nabalewala ang pag-eendorso sa kanila ng isang samahang relihiyoso.

Kami nga nang mapanood namin ang sampung minuto lang ng pelikulang iyon ay lumabas na kami at naiwan kaming nag-iisip kung ang mas tama ba ay ang mga Born Again Christian o Ang Dating Daan.

Bold actress nakipagsigawan sa may-ari ng tindahan kahit ’di naman nagbabayad ng mga inuutang

Nagtatalak na naman daw at nag-eskandalo ang isang dating sikat na bold actress nang tumanggi ang may-ari ng isang sari-sari store na madalas niyang bilhan na pautangin pa siya. Ang sigaw daw, “Mayabang ka pa eh ako na nga lang ang natitirang bumibili sa tindahan mo!”

Sinagot naman ng may-ari ng pasigaw din, “Hindi ka naman nagbabayad ng utang mo!”

 

ANG DATING DAAN

CLAUDINE

ISANG

NAMAN

PARA

PERO

RAYMART

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with