^

Pang Movies

Sam dibdiban ang pag-aaral ng Tagalog

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nang malaman ni Anne Curtis last year na nakuha na ng ABS-CBN ang rights para sa remake ng Dyesebel, wala naman siyang kamalay-malay na maibibigay ito sa kanya.

“It did cross my mind pero hindi ko naisip kasi ’yung mga nao-offer na sa aking teleserye medyo mature na nang kaunti. Nakagawa na ako ng mga fantaserye noon like Kampanerang Kuba and then Dyosa kaya hindi ko naisip na ’yun ang io-offer nila,” sabi ni Anne.

Kaya nga raw nung na-offer sa kanya, agad-agad na raw niya itong tinanggap. Yes daw talaga agad.

Aminado naman si Anne na medyo hindi naging maganda ang pagtatapos ng taon sa kanya dahil sa kontrobersiyang pinagdaanan pero sobra-sobrang pasasalamat niya na ngayong 2014 ay napakaganda ng pasok sa kanya.

Natanong si Anne kung paano niya na-handle ang malaking controversy tungkol sa kanya at the end of 2013.

“Paano nga ba? Hindi ko po alam,” say niyang natawa nang bahagya. “Basta iniiwan ko na lang sa 2013 ang mga nangyari.”

Nakatulong din daw sa kanya ang bakasyong ginawa niya sa Canada at ngayon ay positibo siyang 2014’s gonna be a great year for her lalo na nga sa pagdating ng Dyesebel sa buhay niya.

Pero isang bagay ang tiniyak niya, ang hindi kagandahang nangyaring ’yun last year ay isang learning and humbling experience para sa kanya.

“Nagkakamali naman talaga ang isang tao pero hindi naman laging ganun,” she said.

Nilinaw din ni Anne na hindi raw naapektuhan ang kanyang endorsement dahil sa nangyari at sob­rang nagpapasalamat siya sa mga taong hindi nawalan ng paniniwala at pagtitiwala sa kanya.

Dahil sa pagdating ng bagong project ay maglalagare si Anne sa It’s Showtime at sa Dyesebel at say niya ay kakayanin daw niya hangga’t makakaya niya.

Her last words, “For 2014, I promise that I would do my best to be the best Dyesebel for you.”

Bongga ang cast ng Dyesebel dahil magsasama-sama ang pinakamalalaking artista natin ngayon tulad nina Gerald Anderson and Sam Milby bilang leading men ni Anne, Zsa Zsa Padilla, Gabby Concepcion, Eula Valdez, and Concert Comedy Queen AiAi delas Alas. Kasama rin dito sina Bangs Garcia, Young JV, Neil Coleta, David Chua, and Ogie Diaz.

Ididirihe naman ito nina Don Cuaresma at Francis Passion.

Malaking challenge naman para kay Sam ang kanyang gagampanang papel sa Dyesebel bilang Liro at isa sa leading men ni Anne Curtis. Isang syokoy kasi ang role niya rito at siyempre hindi puwedeng mag-English dahil nga isa itong Pinoy creature na ang ibig sabihin ay lalaking sirena. Of course, walang siyokoy na Inglisero.

“’Yun ang magiging biggest challenge na kahit isang English na word bawal talaga,” say ni Sam sa announcement presscon para sa Dysebel last Thursday.

Kaya naman patuloy pa rin si Sam sa pag-aaral ng kanyang Tagalog. Kaya pala nang bumisita kami sa office ng Cornerstone Talent Management Center na siyang humahawak sa career ng aktor, nadatnan namin siyang busy sa pag-aaral ng Tagalog sa kanyang laptop.

 

ANNE

ANNE CURTIS

BANGS GARCIA

CONCERT COMEDY QUEEN

DYESEBEL

KANYA

KAYA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with