Pekeng sampal hindi uso kay Maricel
Idinaan ba ni Maricel Soriano sa matutunog na sampal ang kanyang acting? Iyon kasi ang napansin ng mga nakapanood sa kanya sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Lahat yata ay nakaramdam ng hagupit ng palad ni Maria sa big screen na umabot sa pisngi ng nanonood. Aray!
Iyon ang iniwang tatak ni Maricel sa coÂmedy film bukod sa pag-iyak nang pag-iyak. Talagang totohanan ang paglagapak ng kanyang kamay sa mukha ng kaeksena. Hindi nangingimi. Walang sinasanto. Hindi uso ang pekeng sampal acting kay Maria.
Nakapagtataka lang na mas epektibo pa ang binitiwan niyang acting sa comedy film at natural na lumabas ang emosyon niya kesa sa comeback movie niyang dramang-drama talaga, ‘yung Yesterday, Today, and Tomorrow na isinali noong 2011 film festival.
Sa huling araw kahapon ng filmfest ay buhay na buhay pa rin ang mga pelikulang Pilipino sa mga sinehan. Pinakamarami pa ring puwesto ang My Little Bossings at Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Pero tinao pa rin ang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel, 10,000 Hours, Shoot to Kill: Boy Golden, at napupuno pa rin ang Pagpag: Siyam na Buhay. Pero dalawa o tatlo lang sa kanila ang nabiyayaang ma-extend dahil malakas pa sa takilya.
Sayang lang at hindi nakaporma ang Pedro Calungsod: Batang Martir at Kaleidoscope World. Oo nga pala, naka-display pa rin ang malaking poster ng Pedro Calungsod sa Gloritetta 4 Cinema nung isang linggo kahit wala naman ito sa mga hilera ng palabas. Dahil kaya sa ibabalik din ang pelikula pagkatapos ng filmfest? Harinawa namang makakuha na sila ng atensiyon sa ikalawang pagkakataon dahil nag-e-effort naman ang mga producer ng biofilm ng ikalawang Pinoy na santo.
***
May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]
- Latest