Dahil sa ipinakitang kagaspangan, Dyesebel binawi raw kay Kim Chiu?!

How true na dahil sa ipinakitang kagaspangan ni Kim Chiu sa presscon ng kanilang Bride for Rent ni Xian Lim for Star Cinema, sinabihan na siya after the presscon na hindi na siya ang gaganap na Dyesebel? Sa isang simple question kasi tungkol sa relasyon nila ng leading man niya, na sa­sagutin lamang ng ‘yes’ or ‘no’ ay nagtaray si Kim at sinabing “I do not owe you an explanation.” Nag-walk out ang ilang entertainment press.  Hindi magandang publicity ito ng movie nila na showing na sa January 15.

Kung totoo na hindi na si Kim ang Dyesebel na hindi naman talaga bagay sa kanya, sabi’y bagay daw ito kay Julia Montes dahil maganda ang ka­tawan niya at mahaba ang legs niya, pero mukha raw malabo itong mangyari dahil naka-set na ang mu­ling pagtatambal nila ni Coco Martin sa isang malaking teleserye.

Kylie bumigay na kay Geoff

Bumigay na rin si Kylie Padilla, nagpahalik na siya sa leading man niyang si Geoff Eigenmann sa telefantasiya nilang Adarna. Ito na siguro ang sinabi ni Kylie noong unang presscon nila, na if the scene needs it, puwede naman siyang pumayag na mahali­kan na ng kanyang leading man. 

Ipinakita na sa trailer na dahil sa tuwa ni Migo (Geoff) na finally ay nakita niya ang kanyang angel, na dalawang beses na siyang iniligtas sa tiyak na kamatayan, na hindi niya alam ay si Ada (Kylie), nahalikan niya ito sa lips. 

Alden handa na sa halikan nila ni Marian

Hindi pa nagti-taping si Alden Richards na magkasama sila ni Ma­rian Rivera sa Carmela (Ang Pinakamagandang Babae sa Ibabaw ng Lupa), pero natanong na siya kung nagpaalam na ba siya kay Dingdong Dantes para sa kissing scenes na gagawin nila ng girlfriend nitong si Primetime Queen? 

Ayon kay Alden, matagal na rin niyang kilala ang Kuya Dong niya dahil nagkasama na sila noon sa My Beloved, pero nakita raw niya ang pagiging professional at seryoso ng Primetime King sa kanilang trabaho. Alam daw niyang kasama talaga ang mga ganoong eksena sa kanilang soap na sabi’y magpagka-controversial ang story.

Pagdating naman sa kanila ni Marian, nag-workshop na raw sila nito kay Direk Laurice Guillen para maging comfortable sila sa isa’t isa at walang ilang factor sa mga serious scenes na gagawin nila. Medyo nagkaroon raw siya ng goose bumps nang makita niya kung gaano pinagkaguluhan si Marian ng mga students nang mag-taping ito sa PUP Sta. Mesa noong Monday. Basta ang promise daw niya sa sarili, pagbubutihin niyang mabuti ang pag-arte niya pagdating ng unang pagsasama nila ni Marian sa taping.

Show comments