Kim nagkamali ng sagot!

Papunta ako kahapon sa Greenhills nang mapakinggan ko sa radio program ni Ms. F. ang kuwento nito tungkol sa nangyari sa presscon ng Bride for Rent noong Martes ng gabi.

Starring sa isyu sina Kim Chiu at Aster Amoyo na na-hurt sa sagot ni Kim na “We don’t owe you any of our personal lives.”

Kung ako man ang nasa lugar ni Mama Aster, mapapahiya at masasaktan ako sa sagot ni Kim, lalo na kung maayos ang pagkakatanong niya.

Puwede rin na walang intensyon si Kim na maka-offend pero nagkamali siya sa pagsagot. Ang sabi nga ng isang baklita, “It’s not about what you say but how you say it!”

Idinenay ni Mama Aster na nag-walk out siya at believable ang kanyang denial dahil hindi ang tipo niya ang gagawa ng ganoon.

Sa gitna ng sari-saring opinyon, isang bagay ang sigurado, nagkaroon ng public awareness sa pelikula ni Kim na pinag-uusapan dahil sa nangyari sa kanila ni Mama Aster sa presscon.

Mag-expect tayo na maaayos din ang problema dahil sa showbiz, walang permanenteng kaaway o kaibigan.

Home sweetie tinalo ang kalaban

Happy ang cast ng Home Sweetie Home dahil mataas ang rating ng pilot episode ng kanilang sitcom.

Kasali sa cast ng Home Sweetie Home ang aking alaga na si Sandy Andolong na enjoy na enjoy sa kanyang bagong show sa ABS-CBN.

Maagap ang ABS-CBN sa paglalabas ng balita na tinalo ng Home Sweetie Home sa ratings ang Pepito Manaloto ng GMA 7.   

Aktres na may dalawang letter A plastikadang-plastikada

Hindi ko type ang aktres na plastikadang-plastikada at feeling sikat eh supporting roles naman ang mga ginagampanan.

Plastikada ang dating sa akin ng aktres dahil may oras na nambabati ito pero mas madalas na nangdededma siya ng mga tao na nakakasalubong niya.

Walang karapatan ang hitad na mangdedma, kahit kagandahan siya. Ang kaso, pangkontrabida ang kanyang beauty, pati na ang kanyang ugali. Dala­wa ang letter  A sa pangalan ng malditang aktres!

Show comments