Bumalik kahapon sa bansa si Angeli Dione GoÂmez, ang newly-crowned 2013/2014 Miss Tourism International.
Sinalubong ng media ang pagdating ni Angeli sa NAIA. Nanggaling ang beauty queen mula sa Malaysia dahil dito ginanap ang pageant night noong New Year’s Eve. Pinasalamatan ni Angeli ang lahat ng mga nagdasal para sa kanyang tagumpay dahil hindi nasayang ang mga pagÂhahanda niya.
Kilalang-kilala na ang Pilipinas sa buong mundo bilang bansa na marami ang magagandang babae dahil mga Pinay ang mga nanalo ng mga international beauty title noong 2013.
Kapatid ni Maja kinukumbinsing mag-beauty queen
Ibinalita sa isang news program na kinukumbinsi ang kapatid ni Maja na sumali sa Bb. Pilipinas 2014.
Barbie Salvador ang pangalan ng kapatid ni Maja na mas maganda sa kanya. Barbie din ang name ng anak ni Phillip Salvador kay Sony Dabao kaya marami ang nagtatanong kung iisang tao lang ba ang kapatid ni Maja at ang anak ni Ipe?
Hindi ang sagot dahil may asawa at anak na si Barbie kaya hindi na siya puwedeng sumali sa mga beauty contest. Baka nagkataon lang na kapangalan ng anak ni Ipe ang kapatid ni Maja. Sa tunay na buhay, pamangkin ni Ipe si Maja. Therefore, pamangkin din niya ang tukayo ng kanyang anak na may karapatan na maging beauty queen dahil matangkad at maganda. Mas mestiza kay Maja ang kapatid nito.
Erap first time magpi-fiesta sa Quiapo
Walang pasok bukas sa Maynila ang lahat ng mga school dahil sa pista ng Black Nazarene, ang patron saint ng Quiapo Church.
Kahapon pa lang, dumagsa na sa Maynila ang mga deboto ng Poong Nazareno. Maraming commuters ang stranded dahil wala silang masakyan na mga bus at jeep dahil sa trapik na resulta ng prusisyon sa replica ng Black Nazarene.
Hindi ako magtataka kung abutin na naman ng hatinggabi ang prusisyon ngayon ng Black Nazarene dahil sa libu-libong tao na kasali. Ito ang unang pista ng Quiapo na si Papa Joseph Estrada ang alkalde ng Maynila.
Weekly session ng Maynila may livestreaming, Divisoria at Recto may CCTV na
Kahapon ang regular session ng Manila City Council na pinangunahan ni Manila Vice-Mayor Isko Moreno.
Kakaiba ang regular session ng Manila City Council dahil live ito na napanood sa Internet. SosÂyal ‘di ba?
Tuwang-tuwa si Isko dahil na-appreciate ng lahat ang kanyang project na livestreaming ng kanilang weekly session. Ibinalita ni Isko na may real time CCTV na rin sa Divisoria at Recto. Pinupuri ang tandem nina Papa Erap at Isko dahil nakita ng mga residente ang malaking pagbabago sa Maynila.
Martin at Regine magkasama sa Valentine
Si Anna Puno ng Starmedia Entertainment ang producer ng With Love, Martin and Regine, ang Valentine’s Day concert nina Martin Nievera at Regine Velasquez sa Mall of Asia Arena.
For a change, hindi kasali sina Pops Fernandez at Ogie Alcasid sa Valentine show nina Martin at Regine. May sariling VaÂlentine concert si Ogie sa Music Museum at si Solenn Heussaff ang kanyang special guest.
Medyo may kamahalan ang presyo ng tickets ng Martin-Regine concert pero sulit naman ang ibabayad ng mga nagbabalak na manood dahil parehong total performer ang dalawa.
Heto ang ticket prices ng Valentine show nina Martin at Regine; VIP A – P6,340.00,VIP B – P4,230.00, VIP C – P3,170.00, Patron – P3,170.00, Lower Box A – P2,120.00, Lower Box B – P1,590.00, Upper Box – P800.00 at General Admission- P370.00.