Biro kay TJ Trinidad sa interview sa kanya for his new project, The Borrowed Wife, love siya ng GMA 7 dahil katatapos lamang last Dec. 27 ang airing ng Genesis, heto at sa Jan. 20, mapapanood na muli siya sa afternoon prime at 4:00 p.m. Biro rin niyang sagot, kasi raw dalawa na ang babies nila ng wife na si Marga Valdes kaya kailangang double na rin ang pagtatrabaho niya.
May kasunod na pala ang panganay niyang si Alonso, one year and five months, si Renata na born last Dec. 21. Medyo nga raw nagulat din sila nang trimester of pregnancy na nalaman ni Marga na preggy siya. Blessing but since may boy and girl na sila, tama na raw iyon.
Kung maraming nagsabi na very bad ang character niya sa Genesis na nang-agaw din ng babaeng nagpakasal sa kanya, sa The Borrowed Wife, siya si Earl, a cosmetic surgeon na matapos mabigo sa babaeng kanyang unang minahal, si Camille Prats naman ang hiniram niya sa asawa nitong si Richard (Rafael Rosell).
Under pa rin si TJ sa management ni Annabelle Rama at hanggang 2015 pa ang contract niya. Happy si TJ dahil bukod sa mga drama series na ginagawa niya sa GMA, dalawang movies din ang nagawa niya for 2013, ang Sana Dati at Anino ng Kahapon. Sa ngayon, may untitled indie film siyang ginagawa tungkol kay General Antonio Luna, sa direksiyon ni Jerrold Tarog who also directed Sana Dati.
Sa Jan. 2 ang plug shoot ng The Borrowed Wife at Jan. 4 ang start ng taping nila under Gil Tejada.
Kapuso Foundation at Sagip Kapamilya hindi tumitigil sa pagtulong sa Eastern Visayas
Last day of 2013 na ngayong Tuesday. Naging malaking balita sa buong mundo ang mga kalamidad na dumating sa ating bansa, tulad ng 7.2 magnitude earthquake sa Bohol at Cebu at super typhoon Yolanda na naapektuhan ang Eastern Visayas. Pero nakaka-touch ang pagtulong ng mga taga-ibang bansa sa mga naapektuhan ng kalamidad at ang pagkakaisa ng mga taga-industriya na tumulong sa kani-kanilang pamamaraan. Kung si Dingdong Dantes at ang kanyang Yes Pinoy Foundation ay nagpapatayo ng mga classroom sa Estancia Central School in Iloilo at magbibigay din ng mga desk at chair, si MaÂrian Rivera naman ay may Adopt-a-Bangka project para sa mga fishermen ng Eastern Cebu. Hindi pa rin humihinto ang Kapuso Foundation at ang Sagip Kapamilya sa pagtulong sa mga nasalanta.
Naging malaking balita at masasabing Newsmaker of the Year si Megan Young, the first Filipina to win the Miss World title. Si Mutya Johanna Datul ang first Filipina to win Miss Supranational at si Bea Rose Santiago ang fifth Filipina to win the Miss International title.